Chapter 27

5.3K 96 1
                                    

Bukas Nalang

Gabi na naman at uwian na namin.

“Saan tayo tambay?” tanong ko sa mga ito.

“Dun nalang tayo sa Tea-Mang. Gusto ko uminom ng tea.” Sagot naman sa akin ni Kath. “Teka pala, hindi ka ba susunduin ni Max ngayon?” balik tanong nito sa akin.

Nagkibit balikat lang ako at kunwaring nag-aayos ng gamit. “Di ko alam eh baka akala nun hindi pa ako pumasok kaya hindi ako nun susunduin.” Katwiran ko sa mga ito.

“Text mo na rin na mamaya ka nalang niya sunduin doon.” Suhestisyon ni Alcy. “Alam nun na pumasok ka na kasi tinanong niya ako kanina hindi ka daw kasi nagrereply at sumasagot sa tawag at texts niya.” Sabi nito ng nanunukat ang tingin.

“Oh? Hindi ko kasi tinitignan phone ko.” Sinulyapan ko ang phone at umaktong nagulat. “Ay oo nga. Ang daming texts at calls. Kaloka!” sabi ko nalang kahit alam ko naman na kanina pa ito tumatawag at nagtetext pero hindi ko pinapansin.

“Eh di kayo na ang may sundo!” bitter na wika ni Kath.

“Eh di kayo na di na virgins!” sabi ko naman.

“Eh di kayo na bitter sa buhay!” sabi naman ni Alcy.

“Ikaw na may sundo, di na virgin at hindi bitter! Leche ka!” kunwaring gigil na sabi ko kay Alcy na ikinatawa naming tatlo.

“Tara na nga! Dun na tayo mag-okrayan.” Anyaya ni Kath.

Paglabas namin ay nandoon si Max. Nagkatinginan kami ngunit agad kong binawi ang tingin ko.

“Hey Max! Nandyan ka na pala.” Bati dito ni Alcy. Binati din naman ito ni Kath ngunit tumango lang ito at nanatiling nakatingin sa akin. Nakakaasiwa! Natutunaw ang beauty ko!

“Bianca, can we talk?” seryosong sabi nito sa akin.

“Tomorrow nalang tayo mag-tea, girl.” Sabi agad ni Alcy. Nakaramdam siguro sila na seryoso ang pag-uusapan namin.

“No, ngayon na. Akala mo makakalusot ka sa kwento mo? No way!” sabi ko dito. “Max, maybe we can talk about whatever you wanna talk about tomorrow? May usapan kasi kami ngayon and sorry kung hindi ako makakasabay sayo. Goodnight! Bukas nalang.” Sabi ko dito ng nakangiti. Ngiti na ilang taon kong inensayo. Ngiting mukhang tunay. My infamous genuinely fake smile. Ito ang ngiti kong perpekto pero hindi totoo.

“Let’s go girls! Bye Max!” anyaya ko sa dalawa at paalam ko kay Max ng nakangiti ni hindi ko na ito nilingon pa o kaya naman ay hinintay na makapagsalita.

Nilakad lang namin papunta sa tea shop at habang naglalakad kami ay hindi maiwasang magtanong ang dalawa. Nahalata nga siguro na may mali sa pagitan namin ni Max and the fact that Max wanted us to talk.

The Greatest PretenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon