Our Story
Two years. Two years na ang nakalipas ngunit walang kasalang naganap. Hindi nga siguro para sa amin ang pagpapakasal.
"Mommy!" Narinig kong umiyak ang anak ko. Siguro ay nagising na naman ito dahil sa masamang panaginip. Napapadalas ang nightmares nito simula nang umalis ang ama nito.
"Sssh baby, what's wrong? You had a nightmare? Tahan na. Andito na si mommy. Mommy will sleep beside you okay?" Pagpapatahan ko dito. Yumakap agad ito sa akin pagkaupo ko sa kama nito. Umiiyak pa din.
"I had a bad dream again, mommy! Sumama daw Daddy sa monsters. I wanna see him, mommy!" Umiyak ulit ito. Paano nga ba ito? Hiwalay na kami ni Max at ayokong makita siya. But my daughter keeps having nightmares of her dad going with the monsters.
Bumuntong hininga ako. "Okay, I'll call daddy for you and tell him you wanna see him. Now, stop crying na or else you'll look like one of the monsters who took daddy." Ano pa nga bang magagawa ko kundi ang tawagan ang walang hiyang lalaking iyon. Tinignan ko si Vianney na ngayon ay nakanguso at pinipigilan ang pag-iyak niya. Vianney is a replica of her father. Lahat ata ng features ay sa ama nito nakuha. Ni walang bakas ng akin. Eh di siya na ang malakas ang dugo. Kaya naman close na close talaga ang dalawa. Wala naman akong problema sa pagiging ama niya sa anak ko ngunit sadyang hindi talaga siguro para sa amin ang pagiging mag-asawa.
Sa naisip ay nainis na naman ako.
"Mommy, call na daddy!" Ungot nito. Hay nako! Kung hindi ko lang mahal itong anak ko nunca na tatawagan ko yun at papuntahin dito.
Kinuha ko ang phone ko at dinial ito. Makalipas ang limang ring ay sumagot ito. Nakakainis!
"Bakit ang tagal mong sagutin ang phone mo?!" Singhal ko dito.
[Tulog po kasi ako. Bakit? May problema ba? O baka naman miss mo na ako, mommy at pauuwiin mo na ako dyan?] Nakakalokong sabi nito.
"Ang pangit mo! Hindi kita miss! Hinahanap ka ng anak mo. Pumunta ka dito. I want you here in 20 minutes!" Binabaan ko ito ng telepono. Nakakairita talaga ang Max na iyon! Boses palang naiirita na ako. Paano kung ibang babae ang tumawag dito at ganon ang boses niya?! Bedroom voice pa edi naakit niya na. Hindi talaga nag-iisip!
Fine! Ako ang nakipaghiwalay sa kanya. Hindi pa man kami kasal ay nagsasama na kami. Yun nga, kasal na lang talaga ang kulang sa amin. Pero hindi matuloy tuloy! Pinalayas ko siya sa bahay namin a week ago. Naiinis kasi ako sakanya.
Pagkapanganak ko kay Vianney ay binabalak na naming magpakasal pero kasi nang inaasikaso na namin ang lahat ay bigla namang namatay ang Lolo niya. Dahil sa may pamahiin, ay pinagpaliban namin. Ngayon naman na nagbabalak ulit kami malaman laman ko na buntis na naman ako! Binuntis ako ng loko! Kaya hayun, hiniwalayan ko siya at pinalayas sa bahay namin last week matapos kong malaman. May balak pa ata itong losyangin ang beauty ko at gawin pa akong forever pretend wife na naman.
Eksaktong 20 minutes nga nang dumating ito.
"Good morning, mommy!" Nakangiting bati nito na lalong nagpasimangot sa akin. Anong good sa morning kung yang nakabungisngis niyang mukha ang makikita ko?! Lumapit ito sa akin at akmang hahalikan ako, sinapak ko nga! Kapal ng mukha.
"Kapal ng mukha mong humalik. Ang pangit pangit mo naman! Wag ka ngang ngumiti dyan! Mukha kang unggoy! Puntahan mo na nga yung anak mong nakatulog na kakaiyak habang naghihintay sayo. Tabihan mo at baka sumpungin na naman." Nakasinghal na litanya ko dito. Nakangisi lamang ito sa akin buong litanya ko.
"I love you, Mommy! Siguro kamukhang kamukha ko na naman yan." Bungisngis pa ding turan nito. Argh!
"Heh! Hindi magiging pangit ang anak ko." Sagot ko dito.
BINABASA MO ANG
The Greatest Pretender
RomanceBianca Sollen De La Rosa never thought she would find love when she agreed to be Max Montelibano's girlfriend. She was certain she will never fall in love with a guy like him. But she did. She fell hard unknowingly. Their show has ended but she stil...