I'll Show You Why
Nanatiling tahimik ang table after that awkward moment. Even Auie na sumama sa amin kumain at hindi nakakaintindi ng Tagalog ay natunugan ang tension matapos iyon.
“Uhm, so guys sabi nga pala ng designer bukas pwede niyo na daw masukat yung suits and dresses niyo for any adjustments.” Putol sa katahimikan ni Carly.
Sana di nalang siya nagsalita. Tingin ko ay mas kaya ko pa yung awkward silence kaysa sa mga sinabi niya.
“Bianca, you can come with us for your dress too. Pwede pa naman ihabol.” Dugtong nito. Ngumisi ako na halos mapunit na ang mukha ko.
“You are getting married? When and with whom?” I thank God for giving me a friend such as Auie cause I really don’t know what to say anymore.
“Yeah. Max and I planned it to be on the 27th of March.” Sagot naman ni Carly kay Auie.
“Oh wow! Congratulations! I wish you both the best.” Tuwang bati dito ni Auie but since I know her alam kong kaplastikan lang ang ginagawa niya.
“Thanks. You should come too.” Ani Carly dito ng nakangiti.
Tumingin si Auie sa akin bago bumaling ng malungkot kay Carly. “Thanks for the invite but I’m sorry, I don’t think I can come. You see, B has a photoshoot with VS in Cancun that week so as her assistant I should be there.” I can hug her right here, right now! She lied for me dahil ang photoshoot na sinasabi niya ay April pa magaganap. Pinigilan kong ngumisi dahil nakita kong dumako ang tingin nilang lahat sa akin. Halos lahat sila ay gulat at malungkot sa nalaman maliban kay Max.
“What? Is that true, Biancs? Hindi ka makakapunta sa kasal nina Carly at Max?” pangungumpirma ni Des.
“Yeah. I’m sorry Carly. Max. Guys.” Isa-isa ko silang binalingan. Woo! Lusot na lusot na ako!
“Ha? Ano ba yan! So hindi tayo complete nun?” reklamo ni Alcy.
“Sayang naman girl pero siyempre trabaho mo din yun tsaka baka may contract ka dyan di ba? Kasi ganon naman talaga yun may contract na pinipirmahan. Sana lang talaga nandoon ka pero di bale na, marami pa naman kaming ikakasal mong kaibigan.” Sabi naman ni Kath. I can also hug her right now because I know she’s helping me with my alibi.
“Oo nga Biancs, ikakasal pa naman kami ni honey ko kaya may next time pa.” sabat naman ni Jake kaya simula na namang gumulo ang table namin.
“Really Bianca? Yun lang ba talaga ang dahilan mo kaya hindi ka makakapunta sa kasal namin o may iba pa?” seryosong tanong ni Max na ngayon lang umimik simula pa kanina. Natahimik kaming lahat. Hindi ko nagustuhan ang tono ng pagkakasabi niya na para bang naghahamon na sabihin ko sa harap ng barkada ang totoong nararamdaman ko sakanya. Nanliit ang mga mata ko ng tignan ko siya ngunit seryoso lang din siyang nakatingin pabalik sa akin.
BINABASA MO ANG
The Greatest Pretender
Storie d'amoreBianca Sollen De La Rosa never thought she would find love when she agreed to be Max Montelibano's girlfriend. She was certain she will never fall in love with a guy like him. But she did. She fell hard unknowingly. Their show has ended but she stil...