Chapter 17

4.8K 78 0
                                    

Sinusundo at Ihahatid

 

Palabas na ako ng restaurant para umuwi. Nauna na sina Alcy at Kath sa akin. Hindi ako nakatingin sa dinadaan ko dahil hinahanap ko ang wallet ko sa bag para maghanda na ng pamasahe sa jeep ng muntik na akong matapilok doon sa malaking hamba ng semento sa may parking ng resto. Ay nako! Haharang harang sa daan ko itong sementong ito muntik pa akong madapa at masugatan kaya sinipa ko na.

Pero, shit! Wrong move!

Ang tanga ko naman, semento nga pala ang sinipa ko kaya ang sakit nung paa ko. Nagtatalon ako sa sakit ng may marinig akong tumawa sa may gilid ko. Napatingin ako dito at ganoon na lamang ang gulat ko ng makita si Max na prenteng nakasandal sa kotse niya, umiiling iling at tumatawa.

“You know, minsan naiisip ko naman na matalino ka pero sa ginawa mong pagsipa dyan sa semento ay napapatanong ako sa sarili ko kung bakit ko naisip iyon. Mabuti nga at hindi ka na nadapa pero sinipa mo pa kaya nasaktan ka pa din. Tsk!” tumatawa at umiiling na sabi nito sa tonong parang ang tanga ko. Tignan mo ‘tong lalakeng ito!

“First time mo na nga lang akong pinuri binawi mo naman agad! Wait, kanina ka pa ba dyan ha?” tumango lamang ito. “Unggoy ka!” nilapitan ko ito at hinampas ng bag ko. “Kanina ka pa pala dyan at nakita mong hindi ako nakatingin sa daan, hindi mo man lang sinabi sa akin na madadapa na ako diyan sa lintek na sementong yan?! Tapos pinagtawanan mo pa ako! Ang bait mo din talaga, ano?” nanggagalaiti kong anas dito.

Tumawa pa ito lalo. Pinaghahampas ko ulit siya ng bag at todo iwas naman ito. Nahawakan niya ang mga braso ko at hinigit ako palapit kaya natigil ako sa kakahampas sa kanya. Shems! Ang lapit lapit lapit namin sa isa’t isa! Halos magdikit na ang katawan namin tapos kung makatingin siya sa akin ay talaga namang nakakapanindig balahibo. Ang init init!

Waaaah! Huwag po! Huwag po koya! Pakawalan mo ako dahil baka kung anong magawa ko sayo at baka ako pa ang humalay sayo dito.

Binitawan niya na ang braso ko. Ay? Ayaw niyang halayin ko siya here? Saan ba ang gusto niya? Pwede sa apartment ko o sa bahay niya. Sabagay public place nga naman ito. Hindi din ako makakapayag na sa isang parking lot lamang mawawala ang aking perlas!

Lechugas! Gusto kong batukan ang sarili ko. Ano ba naman ito! Nagiging maharot ang pa-iisip ko sa lalakeng ito.

“Tumigil ka nga kakahampas ng bag mo sa akin. Napaka mo talaga! Bakit ba kasi hindi ka nakatingin sa dinadaanan mo tsaka bakit sinipa mo pa iyon, alam mo namang masasaktan ka lang?! Mag-ingat ka nga!” Singhal nito sa akin. Scary monster na naman po siya!

Pero, pwede ding care bear siya ngayon kasi he sounds like he cares for me! Eeeeeep!

Selfie, umayos ka nga! Landi mo!

Inirapan ko na lamang ito para maitago ang kilig ko. “Whatever! Akala mo naman ikaw nasaktan! Eh kung nagreact ka na kasi kanina ay sana hindi na ako muntik nang madapa at hindi ko na sisipain sa inis yan!” Turo ko sa walang hiyang semento. Isa pa yan! Ipatanggal ko yan eh! “Tsaka, ano bang ginagawa mo dito? Kakain ka? Closed na kami! Maghanap ka nalang ng ibang kainan!” inis na sabi ko dito.

The Greatest PretenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon