Iniwan

94 5 0
                                    

Pero kahit anong gawin mo, wala na talaga eh, iniwan ka na talaga. Kasi may mahal na syang iba. Masakit diba? SOBRA!

Masakit dahil matagal na kayo eh, pero iniwan ka nya para lang sa bagong kakakilala nya lang? Ipinalit ka na agad?

Masakit dahil akala mo KAYO na talaga, akala mo SYA na talaga pero nagkakamali ka. Iniwan ka na nga eh.

Masakit dahil okay naman sana kayo, pero bakit nagka-ganon? Anong nangyari bigla?

Masakit dahil nasanay ka na sa kanya eh, mahal na mahal mo na, yun tipong sa kanya nalang umiikot ang mundo mo.

Masakit dahil kahit anong gawin mo, wala na talaga. Tapos na talaga. As in WALA na.

Masakit kasi akala mo iba sya sa iba. Yun tipong, hindi ka sasaktan at iiwanan pero hindi eh, iniwan ka na. Ang masaklap pa dun, sya masaya na, ikaw umiiyak pa.

At ang pinakamasakit sa lahat, ay yung kahit anong pilit mong kalimutan sya, sya at sya parin. Yung mga ala-ala na hinding-hindi mo na makakalimutan kahit kaylan man. Nasa utak at puso mo na eh.

Kahit sino naman, basta INIWAN ka ng taong mahalaga sayo, sobrang sakit, para kang pinapatay sa sakit.

How To Move On? (Realtalk)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon