Paano nga ba? Kung lahat ng MASAYA na babaliktad?
Tulad ng sinabi ko, nasasaktan ka kasi nagmahal ka.
Nasaktan? Yan ang bagay na kahit kaylan hindi natin maiiwasan. Kahit anong pilit natin, basta nagmahal ka may SAKIT talaga.
Aminin mo man o sa hindi, kahit gaano tayo kasaya, kahit akala natin almost perfect na. Masakit parin. Alam mo ba kung bakit?
Yun tipong, nakasanayan mo ng may palaging text o tawag galing sa kanya dati na ngayon ay unting-unti nang nawawala.
Oo, minsan busy sila o tayo. Minsan nakakalimutan na nating mag text sa mahal natin, kasi nga BUSY diba?
Pero okay lang naman sana yun eh, pero bakit pakiramdam mong parang may mali, parang may nagbago? Yun tipong masasabi mo nalang sa sarili mo na, 'PARANG HINDI MO NA SYA KILALA'
Dati rati, twing mag-aaway kayo maliit o malaking bagay man, gumagawa kayo ng sulosyon para magka-ayos kayo, pero bakit ngayon parang iba na? Yun tipong nagtatampo ka lang kasi gusto mong lambingin ka nya, pero sya pa yung may ganang magalit sayo. Pinapalaki ang away kahit sa maliit na dahilan.
Dati rati, pag nag-uusap kayo lagi kang kinikilig pero ngayon natatakot ka na kasi baka kayo mag-away. Dati, may 'I MISS YOU', 'I LOVE YOU' pa kayo pero ngayon? 'WAIT LANG. BUSY AKO.' busy saan? Diba?
Kahit minsan, gusto mong itanong sa kanya kung may problema ba, pero natatakot ka, baka mag-away kayo ulit. Natatakot ka ng mag-approach kasi hindi mo na alam yung mood nya.
Kaya minsan kahit nasasaktan ka na, hindi mo sya maiwan-iwan kasi nga mahal mo eh. Kaya minsan, umiiyak ka nalang mag-isa yun tipong walang nakakaalam.
Great pretender ka nga eh, masaya kuno, okay kuno, naiintindihan kuno, pero sa loob loob, 'MASAKIT NA, TAMA NA OH'
Kaya hindi mo maiiwasang mapa-isip na, ano bang nangyayari? Bakit nagkaganito?
Kaya kahit nasasaktan ka na, go ka parin ng go. Kasi ayaw mong mawala sya sayo kasi hindi mo kaya kasi nga mahal mo, diba?