How To Move On? (Realtalk)

139 9 0
                                    

How to move on? Alam mo ba kung papano?

Syempre sa una hindi mo pa alam, andyan pa ang sakit eh, mahal mo pa eh.

Oo, nagmahal ka, nasaktan, umaasa, at iniwan. Ang sakit non, grabe.

Move on? Ang salitang akala mo hindi totoo. Ang hirap kayang mag move-on.

Sa una, blangko ka pa. Umiiyak, natutulala, nalulungkot, nasasaktan, hindi na kumakain, hindi lumalabas ng bahay, nagmumukmuk, hindi na makausap ng maayos, wala ng gana, gusto ng sumuko sa buhay, nawalan ka na ng pag-asa para maging masaya ulit.

Kung nararamdaman mo yan, please believe me, NAIINTINDIHAN KITA.

Pero sinasabi ko sayo, sa UNA lang yan, pangako LILIPAS yan.

Yun tipong akala mo, masakit pa akala mo hindi mo pa tanggap. Pero gigising ka sa isang araw na OKAY KANA, kahit ulit ulitin mong alalahanin ang lahat OKAY na talaga, hindi na masakit wala ng kirot. Alam mo ba kung bakit? Kasi natutunan mo nang tanggapin ang lahat. ACCEPT THE TRUTH.

Palayain mo sya, wag kang magtanim ng galit sa dibdib mo. Subukan mong magpatawad, total lahat naman tayo nagkakasala eh.

Wag mong ikulong ang sarili mo sa nakaraan. Let it go, do not cling the pain.

Wag mong itulad ang lahat sa kanya. Oo, minsan masasabi nating lahat sila manloloko kasi nasasaktan tayo eh, pero pag okay na alam mo na ang sagot na yan.

Wag mong isara ang puso mo sa iba, kung hindi ka pa handa walang kaso iyan. Basta wag mong isara ang puso mo, wait the right person for you.

Wag magmadali, mas maganda pag kusang dumadating.

Maging masaya ka ulit, isipin mo nalang na dumating lang sya sa buhay mo dati para sa isang MAGANDANG LEKSYON.

Magbago ka para sa sarili mo, hindi para sa ibang tao.

REFRESH your life, enjoy, be confident, be yourself, be contented, be thankful, be one good example to others.

And be strong enough to stand alone. Smart enough to know when you need help, and brave enough to ask for it.

Because If you don't leave your past in the past, it will destroy your future. Live for what today has to offer, not for what yesterday has taken away.

MOVE ON.

- GjSxtn

How To Move On? (Realtalk)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon