Umaasa

104 6 0
                                    

Kahit nasasaktan na tayo, kahit gusto na nating sumuko. Ayaw mo parin kasi umaasa ka pa na magiging okay ang lahat, na baka mababalik pa yung dating kayo.

UMASA? Isang salita na SANA magkakatotoo. Isang salita na, gusto mo pa. Sana meron pa, sana kaya pa.

Pero minsan, ang salita na yan magdudulot lang ng sobrang sakit. Yun tipong, umaasa ka pero WALA na talaga. Umaasa ka, pero HINDI na talaga.

Lagi mong hinihiniling na SANA panaginip lang 'to, na sana hindi 'to totoo. Pero mali ka, kasi nasa reyalidad ka ng buhay at wala sa imahenasyon lang.

OO, masakit na, sobra! Mahapdi na! Gusto mo ng sumuko, gusto mo ng tumakbo, umalis, mag bagong buhay pero di mo kaya kasi UMAASA ka pa na SANA balikan ka nya. Na sana, MAGIGING OKAY pa.

Lagi mong iniisip yung dating kayo, at hindi mo namalayan na umiiyak ka na pala. Kasi lagi mong hinihiling na, SANA may pag-asa pa, na SANA ikaw pa ang mahal nya.

Kahit wala kang kasalanan, ikaw parin 'yong humihingi ng tawad, humahanap ng sulosyon sa problema nyo, ikaw pa yung nag-eefort para lang mabawi sya.

Hindi masamang umasa, basta wag lang sobra. Umasa ka kahit anong gusto mo, pero sana may limitasyon yun tipong 'DYAN LANG KASI SOBRA NA.'

How To Move On? (Realtalk)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon