Nagmahal

218 8 0
                                    

Hindi ka naman siguro masasaktan kung hindi mo mahal, diba? Hindi ka naman siguro iiyak kung hindi mo siniseryuso, diba?

Nagmahal ka, kaya ka nasasaktan. Normal lang yan, nagmahal eh? Anong magagawa mo? Puso mo na ang nag desisyon nyan. Mabuti ka pa nga, naranasan mo ng magmahal, malas mo lang sa maling tao pa.

dTT_TTb

Sabi nila, masarap daw magmahal. Masarap nga ba? Oo naman. Yun tipong gigising ka sa umaga na may long message ka na galing sa kanya, kumain ka na ba? Mag-iingat ka ha? Mahal na mahal kita. Diba masarap? Yun tipong, bago ka matutulog maiisip mo muna sya at kikiligin ka twing may 'goodnight, sweetdreams. Mahal na mahal kita'.

Inspired ka palagi sa ginagawa mo, paano  masaya eh. Yung palagi kang may kausap sa phone na nagpapabuo ng araw mo, yung kahit wala ka sa mood makita o marinig mo lang ang boses nya, okay kana, masaya ka na ulit. Twing kasama mo sya, feeling mo safe ka. Feeling mo ang swerte mo. Kasi nga nagmahal ka.

Excited twing darating ang monthsary nyo, palit palitan ng I LOVE YOU may MUAH pang pahabol. May mga bulaklak, letters, chocolates o mga regalo.

Twing may lakad kayo o sabihin na nating may DATE kayo. Nakakakilig diba? Syempre kasama mo sya eh. Twing magtitigan kayo, hindi mo maiiwasang kiligin, minsan nga namumula na ang pisngi mo eh. Blush kumbaga.

Twing may hindi kayo napag-iintindihan, minsan umaabot sa punto na nag-aaway na kayo, iyak dito, iyak doon. Pero hindi ninyo matitiis ang isa't-isa kasi nga mahal mo diba?

Twing may nagseselos sainyong isa, kahit nakakairita pero nakakakilig. Kasi minsan ang selos, nagpapatunay na ayaw nyang mawala ka, kasi nga mahal ka.

May holding holding-hands pa kayo, hugs and kisses. Yun tipong magtatampo ka, yayakapin ka mula sa likod sabay bulong 'MAHAL KITA. SORRY NA' sabay halik sa noo mo.

Twing nagtatawanan kayo at nag-aasaran, feeling mo ikaw na ang pinaka maswerteng babae o lalaki sa mundo. Kasi nasa iyo sya. Kasi ikaw ang girlfriend o boyfriend nya.

Ang sarap sa feeling na proud kayo sa isa't-isa. Yun tipong mapapasigaw ka nalang na 'Salamat lord! Ibinigay mo sya saakin.'

Yun tipong nasa lungkot man o saya, andyan sya para samahan ka at suportahan sa lahat ng bagay.

Pero paano kung LAHAT ng yan ay bumaliktad?

Kasi may kasabihan din na sa UNA lang daw ang mga ganyan. Sa UNA lang daw masaya. Kasi pag tumagal nagbabago na, nag-iiba, lumalamig.

How To Move On? (Realtalk)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon