Chapter 6.

4 1 0
                                    

Next Day...

Ashi Pov.

Lumipas ang buong araw ko kahapon.
Na palaging kaklase siya.Halos lahat ata ng subj. ay kasama ko siya.Di naman siya nakakainis na katabi.Masaya siyang kasama.

Sumabay sya na kumain sa akin kahapon sa kantin.Marami rin akong nalaman tungkol sa kanya.Ganon din siya sa akin.Komportable ako sa kanya.Nagiging madaldal nga ako kapag kasama ko  siya.

Ngayon..."Second Day" na. At ngayon ay papasok na ako.Maaga ba??...Di naman,sakto lang.Gusto ko lang kasing maaga na pumasok.Para naman hindi ako maagawan nang pwesto. (yung pwesto ko kahapon.).

At isa pa gusto ko rin muna magbasa-basa bago magsimula ang klase.Oh! Sige! Byeee na muna.See yah!!!

Someone's Pov

Malapit na kitang makita konting hintay na lang.Sisiguraduhin kong magiging akin ka.Akin ka lang Bwahahahah!!!!.....

Kiko Pov.

Nandito na ako ngayon sa room.Katabi ko na siya ngayon.Ang aga kasi niyang pumasok.Naunahan na naman ako sa pagpasok.

Medyo mabilis ba?? Sorry naman po.

Kasalukuyan siyang nagbabasa nung pumasok ako.Ang sipag-sipag talaga.Tingin ko ang tali- talino niya,pano panay libro na lang ang hawak nya.Kagaya ngayon.Nagbabasa pa rin siya,tumigil lang siya sa pagbabasa nung binati niya ako pag-upo ko sa tabi nya.At pagkatapos noon eh! Balik ulit siya sa pagbabasa at hindi na ako kinausap pa.

Ako naman ngayon eh! Kasalukuyang nagsusulat ng kung anu-ano lang.Meron bang ganon??? Pero para sa akin meron,kasi kasalukuyan ko iyon na ginagawa ngayon.

Nag-isip ako ng pwedeng gawin bukod dito habang hinihintay namin si prof.
Maya- maya pa ay naisipan kong basahin yung binili kong libro sa mall.

Tanda nyo pa ba yung libro na iyun?

Pwe's kung natatandaan nyo pa.Heto na siya at babasahin ko na ang mga nilalaman nito.

Simple lang yung pabalat nung libro.Pero ang umagaw sa atensyon ko ay ang nakatitig na si Ashi.Dumako ako sa tinitingnan niya.Yung librong hawak ko ang tinitingnan niya.Titig na titig siya rito.Bakit kaya???

Bakit? May problema ba?? tanong sa kanya.

Yang  libro na yan....ba't -------

Hindi na niya natapos yung sasabihin sana niya sa akin.Dahil dumating na rin sa wakas ang prof.namin.

Nasimula na ang diskasyon.......
At hanggang sa matapos na ang talakayan ay hindi pa rin umiimik yung katabi ko.Ano kayang  problema??? At Anong meron sa libro na ito ....bakit labis siyang naapektuhan nung pagkakita niya rito sa libro???

Aika Pov.

Hayy....mga Bess....Kumusta kayo???
Alam kong nagtataka kayo kung bakit wala ako kahapon.May mahalaga kasi akong pinuntahan kahapon.May kinausap lang ako tungkol  sa mga bagay-bagay na hindi nyo muna dapat malaman,sa ngayon.

Ngayon ay pumasok na ako.Nandito ako ngayon sa una kong klase.Nakaupo na ako ngayon sa upuan( malamang,obvious na nga sasabihin pa.)

Whatever!!!!...Sa may bandang likod ako umupo sa may tabi ng bintana.Maganda kasi ang view dito.Tanaw na tanaw ko ang kabuuan ng paaralan....at ang malalagong puno sa harap ng bawat room.

Ang ganda lang kasi.....isa ito sa mga dahilan ko kung bakit dito pa rin ako nag- aaral. By the way...maya na lang ulit.Makikinig muna ako sa prof.namin.

Ashi Pov.

Yang libro na yan...ba't ----- hindi ko na naituloy yung sasabihin ko dahil nandyan na si prof. Nainis ako bigla....pero slight lang naman.

Dreaming Of You Someday (On-going)Where stories live. Discover now