Sa araw'araw na ginawa nang diyos, wala na akong ibang inatupag kundi ang pagtatrabaho. Simula nung nagtapos ako sa vocational course na ni'take ko nung nasa kolehiyo ay nagumpisa na akong kumayod para makatulong sa pamilya. Well, hindi naman ako nagrereklamo. Sadyang naiinis lang ako dahil twing may batch class reunion kami lagi na lang akong tampulan ng tukso, mula sa career hanggang sa lovelife hindi ako biniyayaan. Hindi naman sa minamalit ko yung trabaho ko bilang customers service sa isang supermarket ng isang kilalang mall dito sa'amin. Eh kase naman, yung mga batchmates ko, ayun sobrang successful. May mga manager, may mga nasa abroad may mga nasa bussiness at yung iba naman ay nakapangasawa na...mga mayayaman pa ang napangasawa. Samantalang ako? Wala. Isang dakilang CS at forever single na yata ako.
Minsan nga nanghihinayang na lang ako dun sa nakaraan ko. Nung nasa huling taon kasi ako ng vocational course ko ay nakilala ko si Justin. Schoolmate ko siya, comp sci yung course niya at pareho kaming kumukuha lang nang vocational. Okay naman siya, sobrang dedicated sa pag'aaral, sobrang sipag nga din niya... estudyante kasi siya sa umaga tapos barista sa gabi. Sobrang thoughtful, caring and loving. Nasa kanya na lahat nang katangian na gugustuhin mo sa isang boyfriend but then our relationship fails. At dahil yun sa'kin.
Dahil nga sa sobrang focus ako sa paghahanap ng trabaho at pag'papart'time job noon ay napabayaan ko ang relasyon naming dalawa. Nagpabaya ako. Naging makasarili at hindi ko na inisip ang nararamdaman niya. Konting panahon lang ang gusto niya, twing magyayaya siyang lumabas at makipagkita ay lagi akong natanggi...dahil nga sa wala na akong oras, dahil puros trabaho na lang at kung paano kumita ng pera ang inisip ko kayga ayun. Nagkahiwalay kami, ayaw pa nga niya. Sabi nga niya mas lalawakan na lamang niya ang pagintindi sa sitwasyon ko pero hindi. Ayaw kong paulit ulit ko na lang siyang itake for granted kaya umayaw na ako. Mahal ko siya,Oo. Pero hindi ko maibibigay ang panahon ko sakanya, hindiv sapat na mahal ko lang siya, dahil kahit hindi siya magsabi. Alam kong nasasaktan ko siya. At yun ang ayaw ko, hindi ko gustong paulit ulitin ko siyang saktan.
Haiiiy. Tama na nga ang drama natin about sa nakaraan ko. Well it was all in the past now. A history. Ang problemahin natin ang ngayon.
Nandito nga pala ako ngayon sa mall. Araw araw naman ay nasa mall ako, kaso iba ngayon. Hindi ako empleyado ngayon kundi mamimili naman, sheeet! Mamimili. Akala mo naman ang dami kong bibilhin. Actually galing akong hr office namin kanina may pinirmahan lang ako. Nirequest ko kasi yung vacation leave ko. Naipon na nga dahil hindi ko ginagamit. So ayun nagrant naman kaya may pinirmahan lang ako tsaka ako naglakad lakad sa mall. Ang tagal ko na din di nagagawa 'to. Kaya eto ako ngayon, nagtitingin tingin at kung may magustuhan ay bibilhin ko.
Teka nga lang, kilala niyo na ba ako? Yes or No? Syempre No! di ba??
Ako nga pala si QUEENCESS SARMIENTO, Cess for short kung close tayo at kung super duper hyper mega close naman tayo you can call me C yeah as simple as C. Yun kasi ang tawag sa'kin ng mga bffs ko. Sina V, Jloh at MJ. DI ba? may kani'kaniya kaming mga nickname sa isa't isa. Sa pagpapatuloy nang kwento ay makikilala niyo din po sila, especially V my very best buddy.
So ayun nga, I'm already 25 years old and I'm single and always available. H'wag kayo mag'alala. Malapit ko nangt makita si forevs! May mga blind dates na nga akong inischedule para sa sarili ko, well yung mga workmates ko talaga yung may ideya nito at sila din yung humanap ng mga makakadate ko, umoo na lang ako para may magawa ako sa bakasyon ko. So ayun na nga hehe. Sana palarin no? Oo naman yes! Think positive tayo.
**
Sobrang sumakit ang paa ko kakalakad sa mall. Tapos tatlong damit lang ang nabili ko, medyo nanghihinayang pa nga ako sa nagastos ko, pero wala nabili ko na. Tsaka ngayon na nga lang ako ulit gumastos para sa sarili ko .Oo nga pala, kaya pala nag request ako ng leave at bigla akong gumastos sa sarili ko ay para bigyan ng reward ang lahat ng paghihirap at sakripisyo na ginawa ko kasi finally! Graduate na si lil bro. Yes, nakatapos na din siya sa wakas..at kaninang umaga nagsabi siya sa'kin na hahanap na daw siya nang trabaho kaya sobrang saya ko dahil sa wakas may makakatuwang na ako sa pagabot ng pangarap ko.., nang pamilya namin. Iyon ay ang makabili nang bahay at lupa. May bahay naman kami, kaso sa Tito ko 'yon na nasa ibang bansa na nakatira. At hindi naman sa pinaalis na niya o pinagbabayad, wala lang iba lang kasi siguro talaga sa pakiramdam yung may bahay ka talagang matatawag na iyo...yung pinaghirapan at pinagpaguran mo di ba? Kaya 'yun... nakakatuwa lang na isipin na tulong tulong kami sa pag'abot ng pangarap na 'yun. Si Mama ay may sari sari store sa tapat ng bahay...nagtitinda din siya ng meryenda at mga lutong ulam. Si Papa patuloy pa din naman sa pagtatrabaho, minsan nga sinasabihan na namin siya na huminto na dahil baka atakihin na naman siya. Kaya kasi nung sobrang subsob pa ako sa pagpapart time ay dahi biglang inatake sa puso si Papa kaya ganun ako kapursigido noon na kumita nang pera to the poigt na napabayaan ko na din pati ang sarili kong kaligayahan at yung mga tao sa paligid ko gaya ni Justin kaya ayun. Pero nang makaraang taon naman na medyo umokay okay na siya at bumalik ang lakas ay pumasok muli ito sa trabaho, sinasaway namin pero matigas ang ulo.
Humilata na lang ako sa kama, medyo napagod talaga ako.
Oo nga pala. Bumili din pala ako ng bagong cellphone. Iyong touch screen at pwedeng gamitin pagfacebook at instagram yung mga uso ngayon, medyo nahuhuli na nga ako sa panahon dahil makabagong dekada na e depindot pa din ang cellphone ko. So, para na din maki'in sa uso kaya bumili ako nito. Mamaya nga pagkatapos ng hapunan magpapashare'it ako ng app ng facebook at instfagram kay Arkin, sa kapatid ko. Lagi na lang kasi akong sa computer shop nakakagamit nang facebook, kapag may kailangan lang akong gawan nang excel sa trabaho dun lang ako nagfafacebook na din.**
Sobrang busog ako sa luto ni Mama na adobo, yung kasing adobo ni Mama ay kakaiba. Ewan ko pero ang sarap lang e. Ano kasi yung adobo ni Mama yung ...paano ko ba ito ieexplain? Sa kapampangan 'adobong malangi' yung term.. ano siya,, ipapaliwanag ko na nga lang kung paano niluto ni Mama.Una pinakuluan niya yung meat sa toyo at suka with paminta na din yun a typical adobo. Tapos nung malambot na yung baboy,,, inihiwalay ni Mama yung meat sa sabaw tapos iginisa yung meat sa bawang at sibuyas at nung medyo naprito na yung meat sa pagkakagisa..inihalo na ni Mama yung sabaw na pinagkuluan kanina yung pinagadobohan niya tapos pinakulo ng kaonti at nilagay na niya yung pampalasa...at tinakpan at hinayaang kumulo hanggang sa mawala yung sabaw at ayun na yung lasa sobrang sarap at sumiksik yun sa meat dahil nga kumulo ng kumulo hanggat mawala yung sabaw. Basta, ewan kung nagets niyo basta ganun siya...masarap.
Oh nawala na tayo sa kwento, so ayun nga nung nagpapahinga kami sa sala at nanunuod ng tv ay tinawag ko na si Arkin para ipasa niya yung mga app na kailangan ko... pati messenger ipinapasa ko na din. Natawa pa nga ang kapatid ko nang nalaman na may bago na akong phone at hindi na depindot. Buti naman daw at naisipan ko nang palitan ang cellphone ko, balak nga daw niya na sa unang sahod niya sa papasukan niyang trabaho kapag natanggap siya ay ibibili niya ako. Natouch naman ako sa sinabi niya, kaming dalawa lang kasing magkapatid at sobrang close namin. Medyo nakakatampo nga lang dahil binata na talaga siya at may mga ibang lakad na siya ibang gusto at ibang kinahuhumalingan. Di tulad noon, na sa bahay lang siya at nagpapagturo lang sa akin kapag may mga assignments siya. Lagi kaming magkasangga kapag nakikipaglaro kami sa ibang mga bata, pero nung nabusy na ako sa pagtatrabaho at siya naman ay nagbinata na medyo nawala yun pero close pa din kame 'no. Yun nga lang medyo hindi ko na siya masabayan dahil nga binata na siya.
**
Pumasok na ako sa loob nang kwarto matapos kong magpaload at mairegister para makapag'internet ako. Naeexcite akong gamitin yung facebook ko dito, promise kapag talaga natuloy yung swimming at outing namin nila Mama pupunuin ko ng selfie at mga litrato namin yung cell phone ko at kapag nagkachance magpapakuha ako ng litrato para naman mapalitan ko na yung profile picture ko.Hindi na ako nagpatumpik tumpik pa at agad na nagbrowse. Ayan na naman yung sangkaterbamg notifications ko dahil nga sa madalang lang ako mag log in. Puros tagged photos lang naman halos ang mga yun dahil madalas akong isali nang mga katrabaho ko kapag natitripan nilang magpicture. May iilan ding friend request yung iba mga foreigners pa, di ko na lang inaaccept tapos yung iba yung mga bago kong katrabaho at inaccept sila. Ni'browse ko na lang ulit yung newsfeed wall ko halos si V lang naman ang nakikita ko dito dahil adik yun sa kaka'selfie tapos si Jloh din na puros pagkaen o di kaya mga nature view and scenery ang mga pinopost. Yung iba naman na kakilala ko e mga litrato nilang kinuhanan sa pagbabakasyon nila. Beaches, mountains , resorts at mga falls. Nililike ko na lang, tapos napadako naman yung tingin ko dun sa mga suggested friend na bar.. tapos nitignan ko kasi may mga kamutual friends ako sa mga yun ... pero may isang nakakuha ng atensyon ko.
Isang lalaki...simple lang naman yung dp niya pero grabe! Ang gwapo niya. Sobraaa!
ARTHUR JOHN MONTECILLIO
Add as friend?Add..
Request Sent,--
This is the edited story of CHANGE OF HEARTS.
May mga eksenang mawawala sa dating istorya at may mga bago din naman. Sila pa din yung mga lead character which is CESS && ARTHUR.Sorry kung inedit ko. Medyo... hindi mali. Sobrang nawala kasi tayo dun sa plot at ang daming naging palabok na dapat naman wala pero nailgay ko kaya eto... inaayos ko yung story nila.
I'm doinh this revision and editing kase... this is my first baby. Gusto ko din na maagos ko 'to at mas maintindihan niyo.
So sana magustuhan niyo pa din.
Please.. like and Vote ;)
Maraming Salamat.