His POV.
Nandito ako ngayon sa kaibigan ko na si Troy. Tinakasan ko kasi sina Mama dahil nagsabi siyang dadalawin daw ako sa unit ko. Sawang sawa na ako sa kakapilit niya sa'kin ma mag asawa na. May girlfriend naman ako actually ang dami nga. Pero wala pa sa isip ko ang shit na pagpapakasal na 'yan. Ayoko nang sakit sa ulo. Okay na sa'kin ang pinoproblema ko lang ay ang auto shop ko. Kung yun ngang pagtuturo ko ay ginive up ko na dahil sa dami nang estudyante kong nagpapasakit ng ulo ko lalu na yung mga babae, tangna! Kulang na lang maghubad sila sa harap ko sa loob ng klase para lang magpapansin. Kaya bago pa ako makasuhan ay ako na ang lumayo. Well, mabubuhay naman ako ng auto shop ko kahit papaano. Kung may first love man ako ay ito iyon..ang pagaalaga ng mga sasakyan. Mas gugustuhin ko pa 'to. Second option ko lang naman 'yung pagtuturo dahil kay ... wag na nating pagusapan.
Atsaka mas gusto ko na talaga dito kaysa maburyo sa letseng apat na sulok ng opisinang 'yon at makinig at umupo sa sandamukal na meeting. Bahala na si Kuya dun, kaya na niya yun. Okay na ako dito.
" Ano na naman ginagawa mo ditong gago ka!?", salubong sa'kin nang gagong kaibigan ko. Dito kasi ang takbuhan ko kapag may pinagtataguan ako minsan si Mama minsan naman ay yung mga letseng babae na gusto akong ikama, tangna nila. Napangisi na lang ako. Mga walang ginawa kundi ipakama na lang ang sarili nila. Langya!
" 'wag muna alamin! Tatooan mo na lang ako buti pa! " sagot ko na lang dito. Tattoo artist si Troy, nung una naiinis ako sa mga tatoo niya at sa mga ibang tao na may mga tattoo lalo na yung wala nang ginawa sa katawan nila kundi gawin yung canvas pero ngayon nagbago na ang pananaw ko, langya ART ito. Astig pa. Lakas maka'angas nito kaya ngayon eto balak ko ulit magpatatoo, pangatlo ko na 'to this time sa braso ko naman
Tinawanan na lang niya ako at inayos na ang mga gagamitin nya para tattooan ako. Hinubad ko na muna yung tshirt ko umupo na din ako at pumwesto na para makapagumpisa na kami.
Kinuha ko na din muna ang cellphone ko para silipin kung nagtext na si Mama, sinabi ko kasi na hindi niya ako madadatnan sa unit ko kaya wag na siya tumuloy but knowing her hindi iyon makikinig. Ewan ko ba, halos bente nuebe na ako pero kung ituring ako ng nanay ko para akong high school student. Di ko naman siya masisisi dahil simula makagraduate ako ng college e humiwalay na ako sa puder nila. Nauumay kasi ako sa klase ng pamumuhay meron sa bahay. Si Daddy wala nang ibang inatupag kundi palaguin ang mga bussiness niya si Mama naman a typical loving Mother pero nakakasakal para akong bata lagi sa tingin niya tapos ngayon pinipilit akong tulungan daw si Kuya sa bussiness nakakaletse! Sino ba kasing nagsabi na padamihin nila ng ganun ang mga negosyo nila ngayon pati ako pinapaprublema nila! Tapos isa pa yung minamadali nila akong mag'asawa! P*ta bat alam pa nila sa'kin. Nakakainis talaga.
**
Halos gabi na din kami natapos ni Troy. Inaya ko na lang siya na mag bar na muna pero ang lintik umayaw. May kikitain daw ang gago! Paniguradong mambababae lang naman siya. Atsaka ganun lang din naman ang gagawin namin habang umiinom..syempre hahanap na din kami ng chicks pero langya ampakipot ng gago!Kaya umuwi na lang ako, dun na lang ako magiinom. Medyo tinamaan din ako ng antok at baka masira pa ang tatoo ko kung maguuwi ako ng babae, baka sa sobrang kasarapan e mabura niya yung tatoo ko. Kaya dito na lang ako sa unit.
Naligo lang ako ng mabilis tsaka na ako dumiretso sa kusina at ininit ko lang yung pizza sa ref at nilabas ko na yung tatlong bote ng beer dun.
Minsan namimiss ko din ang buhay sa mansion, yung makakain ng totoong pagkain. Yung lutong bahay hindi yung panay fast food na lang 'tong kinakain ko. Pero ngayon pa ba ako magrereklamo? Ginusto ko 'to e.
Kinuha ko na agad yung pizza la loob ng oven ng tumunog na ito hudyat na nainit na tsaka ako kaagad na kumagat nilantakan yun tsaka tumungga sa bote ng alak. Umilaw naman yung cellphone ko sa mesa hudyat na may message o notification nanaman ako . Nakabukas kasi yung wifi, tangnang yan! Nakalimutan ko na naman patayin! Yung hayop na mga taga kabilang unit nagpapakasasa sa kakaconnect amputa! Ilang beses ko nang iniba yung password ko pero langya! Lagi nilang nahahack!
Inabot ko na lang, mga likes lang naman 'to panigurado dahil nagpost ako kanina, pinicturan ko yung tattoo ko kanina e tsaka ko pinost kaya malamang nakita na din 'to ni Mama at siguradong naglitanya na naman siya sa comment niya kung sakali. Ayaw niya kasi ng mga ginagawa ko. Sus. Ang ganda nga. Nakakadagdag pa nga to sa kagwapuhan ko kung alam lang niya. Lakas kaya nito maka'turn on sa mga chicks.
Hindi nga ako nagkamali naglitanya na naman siya, napapailing na lang ako habang binabasa pero shit! Lakas talaga makafamous oh! 390 likesandhearts na yung post ko.
" ARTHUR! ANO na NAMAN 'YAN! KAYA BA WALA KA KANINA SA UNIT MO DAHIL DYAN! KAILAN KA BA MAGTITINONG BATA KA! UMAYOS KA NGA DYAN! PAANO KA MAKAKAHANAP NG MAPAPANGASAWA MO KUNG GANYAN KA! NAGMUMUKHA KA NANG BAD BOY ANAK! TAWAGIN MO KO OKAY! INGAT KA DYAN!
Tangna! Napapasapo na lang ako sa mukha sa ginagawa ni Mama! Pinagmumukha niya talaga akong bata! Ano pang saysay ng mga tattoo ko kung ganyan siya, sa laki kong tao na 'to at angas nang mga burda ko sa katawan tapos ganyan ka sweet ang nanay ko? Mapagkakamalan akong Mama's boy amputa! Langya talaga! Pero kahit ganyan yang nanay ko Mahal ko yan.
Ang dami pang mga comments at halos mga babae lang. Tapos , ay mga friend request din. Pero amputa halos matumba ako sa kakatawa nang mabasa ko yung pangalan nung isa.
Queencess Hannah Sarmiento
sends you a friend request.
Accept. Decline.Tangna! Lakas maka'nene nang pangalam nito. Ibang klase, pang kinder ang pangalan.
Reynang Prinsesa! Laughtrip talaga..Shit! Na'accept ko kakatawa!
You are now friends with Queencess Hannah Sarmiento.--
Same story line. Mas mature nga lang ngayon.
Marami akong binago dito. Halos lahat binago ko... pero may thrill pa din dahil this time hahaba na yung chat moments nila C at ARTHUR lalo na yung pagkikita nila.So abangan :) ♡♡♡♡♡
COMMENT kayo please kung ano yung masasabi niyo sa edited version.
Votw na din po :) Salamat