His POV.
LANGHIYA, hindi ko namalayan na dito pala ako sa sofa nakatulog. Ang sakit tuloy ng likod ko. Tss.
Nakita ko naman na umiilaw na naman ang cellphone ko.
May text na naman kasi si Mama.Gusto akong umuwi sa mansyon.
Who is it this time? Akala ba niya di ko alam.Everytime na papauwiin niya ako sa mansyon laging may bababeng heredera ang ipinakikilala niya sa'kin. Mga anak ng mga amiga niya o di kaya ay mga anak nila ng mga bussiness partners nila.
Atat na atat na ipakasal ako! Tss.
Matapos kong replayan si Mama na pupunta ako, gustuhin ko mang tumanggi ayaw ko naman na magtampo na naman siya kapag di ako sumipot.
Kahit ganun 'yun...ayaw na ayaw ko na nagtatampo.
Lalo na ngayong nadiagnose siya na may sakit sa puso.
Stressing her is not my thing now. At itong pagsakay sa mga trip niya ang tanging magagawa ko na lang para kahit papano ay mapasaya ko siya.I'm the black sheep in the family.
Kaya ang pasakitin pa ang ulo niya ay wala na sa listahan ko.
Quotang quota na siya sa stress na naibigay ko nung nakaraan.Tama nang hindian ko lahat ng utos ni Papa na akuin ang ilang bussiness namin. Mabuburyo lang naman kasi ako sa opisina.
Kung yun ngang auto shop ko nakakasakit na ng ulo.
Yun pa kayang kompanya nila. TssIbababa ko na sana ang cellphone ko ng mag'pop up na naman yung mukha ng babae na 'yun sa screen ko. Tss.
Nag'chat na naman.
Isa pa 'to e. Pinapasakit din nito ang ulo ko.
Ang kulit. Ilang araw na din akong hindi nilulubayan.Pwede ko namang iblock o kaya ay iunfriend pero.
Tang'na! May kung ano sa'kin na pumipigil.
Atsaka bukod sa kakulitan niya.. wala naman siyang kakaibang
ginagawa. So hinayaan ko na lang.Picture ko pa lang ang nakita...hulog na hulog na.
Lakas ng tama sa'kin e. Iba na talaga gwapo!Napapangisi na lang ako. Sa araw araw ba naman na ginawa ng diyos. Sino ba namang hindi naakit sa kagwapuhan ko? Wala.
Kaya siguro hindi ko maisip na sumeryoso sa relasyon.
Wala pa sa isip ko ang ideya ng pag'aasawa.
Yung mga babae kasi ngayon..napailing na lang ako.
Sobrang easy kasi e.No offense po sa mga nagbabasa.
Pero aminin nyo, may point ako 'di ba?
Oo o Oo? Di ba?Pumasok na lang ako sa kwarto para kuhanin ang tuwalya ko at makaligo na. Nicharge ko din yung cellphone ko.
Mamaya na ako tatawag sa shop para habilinan si Liam.
Tropa ko 'yun.. kasosyo ko din sa auto shop.
Pero ako nagmamanage talaga dun.Magkasosyo din kami sa bar niya. At dun siya talaga hands on.
Pero ngayon may lakad ako at may schedule kami ng delivery ng mga imported car accessories ay siya na muna ang papapuntahin ko sa shop.Pagkalabas ko ng banyo, agad kong nilapitan ang cellphone ko na tunog ng tunog. Mga chat notification na naman 'to. Gusto ko nang basahin kaso, bigla namang tumunog yon. Tumatawag na si ermat. Hinayaan ko lang...magbubunganga lang naman siya kung bakit wala pa ang magaling niyang anak sa mansyon nila.