HER POV .
Medyo tinanghali ako ng gising. Paano ba naman masyado akong natuwa sa kaka'browse sa facebook. Nakachat ko din yung mga kaibigan ko at yung iilang mga katrabaho, nawindang daw kasi sila dahil bigla akong online kaya ayun nakipagchikahan sa akin magdamag, pwede din pala yung group chat 'no? Ang gulo lang namin magusap usap. Wala akong maaintindihan. Pero nakakatuwa na nakakasabay na ako sa kanila sa mga ganung bagay.
Pagkalabas ko ng kwarto ay dumiretso ako sa kusina. Nadatnan ko naman dun si Arkin na mukhang kakagising lang din. Sinaluhan ko lang siya sa pag'aalmusal. Hawak ko pa din nga yung cellphone ko, actually naka'online na naman ako. Medyo namamangha e. Hayaan nyo na ako.
Pero ang baliw na kapatid ko tinukso tukso pa ako. Anong oras na daw kagabi pero online pa din ako, tinanong ko naman kung paano niya nalaman e nakaonline din pala siya kaya alam niya. Sabi pa niya baka daw kung kani'kanino ako nakikipagchat. Baka daw nakikichat ako sa mga foreigners, binatukan ko nga. Ano bang akala niya sa'kin? Pero ganun pa man, iniba ko na lang ang usapan namin. Tinanong ko siya kung kamusta na ang paghahanap niya ng trabaho, sabi niya ay sa makalawa daw may schedule siya na interview sa isang sikat na kompanya na nagbebenta ng sasakyan, eh yun kasi din ang hilig niya. Nakapagtapos siya ng mechanical engineering, kaya ayun. Sana lang matanggap siya. Sabi naman din niya kung di siya matanggap dun, baka patulan na muna din niya yung pagcacall center, pinapasok daw kasi siya ng pinsan ng girlfriend niya. Tignan niyo na, may girlfriend na pala siya. Medyo napaayos ako ng upo ng sonabi niya yun. Napayuko naman sya, mukhang nadulas lang talaga siya tungkol sa girlfriend niya. Pero hindi ako mapakali, bakit hind ko yun alam ? Kaya tinanong ko siya..
" So? May girlfriend ka na? Kailan pa? " tanong ko habang pinapalamanan ko yung tinapay ko ng cheeze whiz. Medyo pinataray ko din yung boses ko tsaka pinaseryoso. Napahinga naman siya ng malalim bago ako nag'angat mg tingin sa'kin at sumagot.
" Halos isang taon na din big sis, pero hindi naman ako nagpapabaya, alam naman namin pareho yung mga kelangan naming ipriority bukod sa relasyon namin promise", mahaba nitong sagot, nagpaliwanag pa. Isang taon na siyang may girlfriend pero di ko alam, di namin alam. Ni hindi din namin kilala.
" Dalhin mo nga dito make gusto kong makilala.." seryoso ko pa din sabi sakanya. Napailing naman siya at napakamot sa batok.
" Hindi naman kas tama na hindi namin kilala yang girlfriend mo, naainis ako sa'yo alam mo ba? Isang taon mong itinago sa'min 'yan.. kaya gusto ko siyang makilala ", sermon ko dito bigla ay parang nadisappoint ako, all this time my itinatago pala siya sa'min " Hindi tama yung nagliligaean kayo sa daan lang, at kung mahal mo man yang girlfriend mo na yan, bakit hindi mo ipinakilala sa amin, bakit kailangan mo pang ilihim 'to?..
Hindi na niya ako pinatapos, " Kasi alam ko na magiging ganito ang reaksyon niyo,..lalo na ikaw. Ayaw kong isipin mo na baka puros pakikipagnobya lng ang ginagawa ko, at hindi ko pinagbubuti yung pag'aaral ko...kaya itinago ko muna Ate. Sinabi ko din sa sarili ko na kapag nakatapos na ako at nagkaroo nang trabaho, dun ko na sasabihin sainyo, dun ko na siya ipapakilala. Para hindi mo isiping walang pinuntahan ang lahat ng sakripisyo mo sa'kin", sagot niya sakin. Napanganga naman ako ng bigla ay tumayo ito ay iniwan ako sa hapag. Anong nangyari? Bakit ganun?
Hindi naman ako nanunumbat di ba? Ni hindi ako nagrereklamo sa lahat ng ginawa ko. Tapos ganun pala ang tingin niya, bakit kailangan niya pang itago? Yun lang naman ang tanong ko at gusto ko lang naman makilala yung syota niya. Masama na ba yun? Ayaw niya akong idisappoint pero bakit nagsinungaling siya.
**
Pumasok na lang ako sa kwarto ko ulit pagkatapos kong hugasan yung pinagkainan namin at naglinis ng bahay. Hindi niya ako kinibo nunh balakin ko siyang kausapin ulit kaya hinayaan ko na muna.Inabala ko na lang ulit yung atenysyon ko s cellphone. Gusto ko sanang tawagan si V kaso baka busy 'yon. Hindi ko naman makontak si Jloh dahil nag iba na yata nang number. Tagal na din namin siyang hindi nakikita. Tapos si Mj naman..haoyy busy yon sa pagtuturo. Wala din naman akong magulo sa mga kasamahaan ko sa trabaho lalo na ngayon na naka leave ako, paniguradong lahat sila busy nyan. Humilata na lang ako ulit sa kama. Gusto ko man mamasyal, ang boring naman kung ako lang mag'isa. Binuksan ko na lang yung mobile data ko. Ilang segundo lang ayun na.. ang dami nang nag pop up na notofications at yung mga nakatulugan kong messages kagabi. Nagbackread na lang ako at nakibasa sa mga pinagusapan pa nila nang makatulog na ako tapos ay nitignan ko na yung mga notifications ko .
You are now friends with Arthur John Montecillio.
Napangiti ako. Grabe. Buti inaccept ako ng gwapong 'to?
Buti hindi niya ako nireject. Sa itsura pa lang niya, alam na alam na siya yung tipo ng lalaki na hinahabol ng mga babae. Yung look niya yung gwapo na maangas. Nistalk ko nga agad. Medyo naturn off nga ako kasi, may tatoo pala siya. Anlalaki pa. Pero parang hindi naman pangit tignan sakanya. Hindi rin ako nagkamali..ang daming babae na naglilike ng mga posts niya. Ang dami niyang kaibigan na mga babae, magaganda pa at mga sexy. Di naman na nakakapagtaka. Ang gwapo niya kasi talaga.Kung kayang imemessage ko siya magrereply siya? Gusto ko lang naman makipagkilala.
At tsaka...
Baka kailangan ko na din namang pagtuunan ng pansin yung sarili ko. Yung sarili kong kaligayahan. Yung sarili ko naman.
Hindi naman niya ako kilala. Tsaka uso naman 'to ngayob di ba? Yung chat chat.. Malay natin siya na pala ang forever ko.Hihi.
Nababaliw na sigiru talaga ako. Pero ittry ko lang naman. Malay natin di ba?
Queencess :
Hi. Salamat po sa pag'accept :)...
...
...HALA...mukhang magrereply siya.!!!.
--
HAPPY READING :)