Change of HEARTS 20..

3 3 0
                                    

Her POV.

Hindi ko alam pero naiiyak ako. Naiiyak ako dahil sa pesteng Arthur na 'yon. Ang nakakatawa pa, hindi ko alam pero may kurot na dumaan sa puso ko ng mabasa ko iyong mga messages niya. Ang cold, ang sungit.. tapos parang wala lang ako sakanya.

Alam ko naman na magkaibigan kami iyon nga lang through social media lang. Bit still, nag assume ako na okay kami. May time na okay kami, na nagkakatuksuhan pa nga kami.

Tapos, di ba? Game na game pa nga siya sa pakikinig ng mga nonsense ko na kwento.. kahit wala naman siyang kinalaman sa kwento ko, nakikinig siya. Though binabasa lang naman talaga niya, but still minsan nagkokomento pa nga siya e.

Kahit nga halos isang buwan ko pa lang na kilala ang damuhong peste na 'yon.. kilala ko na siya. Ang dali lang niya magtampo.

Tapos kanina, bigla akong hiniritan ng mga pa'effect niya.. ang kaso parang seryoso siya eh. Kita niyo naman, puro seen, tapos hindi pa nasagot sa mga pinagtatalak ko. Dedma.

Nakakapeste lang kasi.. kasi nasaktan ako sa ganap kanina. Iyong feeling ko na iniwan ako, mga ganun. Iyong feeling na parang wala kang kwenta at ganun kalang kabilis na bitawan.

Ang weird pero gan'on iyong naramdaman ko.

Ang lakas pa maka'concern sa mga pinapasok ko na dates tapos.. tapos! Argh! Naiirita ako.. peste naman oh! Letse!

Kinuha ko na lang iyong cellphone ko na inihagis ko kanina sa sobrang inis ko kay Arthur... siguro naman okay na siya.

Binlock ko na siya.. inunahan ko na bago pa niya maisipan na iblock ako. Atleast nasa akin ang huling halakhak.

Dinial ko na lang ang numero ni Veronica.. nagyayaya kasi sila na magswimming.

" For pete's sake C! Dis oras na ng gabi! Bat tumawag ka!", okay beastmode na naman siya. Mukhang nagambala ko ang himbing ng tulog niya.. este nagambala ko pala talaga.

" Hello to you too.. " sarkastiko kong sagot.." Wag kana magalit. Sasabihin ko lang naman na go! na ako sa balak niyo na swimming na 'yan.. " ayun na nga, noong nagkita kita kasi kami sa reunion namin, which is kahapon nagkayayaan nga sila na magouting kami. Isa pa, ngayon lang kami magsasama ulit na apat kung sakali atsaka may alam daw na resort si Jloh na pwede namin puntahan.. dito lang daw iyon sa Pampanga.. gusto nga sana ni Veronica na magbeach naman daw kami, kaso hectic ang sched ni Madam Joy, teacher kasi kaya alam niyo na.. mahal na mahal niya ang mga estudyante niya. Ayaw lumayo.

" Geez! C! Iyan lang ba ang sasabihin mo!? At hindi mo na nahintay pa ang umaga para iinporma ako. ", ang sungit talaga ng babaeng 'to " Pwede mo naman din na itext na lang sana ako di ba? Hindi iyong nambubulabog ka! Ghaaad! Nakakaewan ka! Osiya! Itetext ko na lang sila bukas, balitaan kita kung anuman ang sagot nila.. ", narinig ko pang humikab siya " kung di ka makatulog, magpatulog ka naman C! Sige, good mornight! Mwaah!", with matching sound pa iyong kiss niya.. tapos bigla niya ako binabaan. Hindi man lang niya ako hinitay na makapag'bid man lang ng good night din V! Mwah Mwah Tsup Tsup!.

Himiga na lang ako sa kama at pinilit na makuha ang tulog ko. Pero t'wing pipikit ako.. nakikita ko iyong mukha ni Arthur, iyong bagong dp niya..

Ang gwapo kasi talaga niya kanina dun ng makita ko.. naka'formal siya, ang linis niya tignan kahit na agaw eksena iying hikaw niya sa tenga.. tapos ang kisig kisig niya dun.

Iyong datingan ng mga CEO ganun..iyong mukhang maginoo na bastos, sheeemz! nasabi naman niya na mayaman sila, nagmamanage na nga siya ng ibang bussiness nila, see? Alam ko kasi nasabi niya sa'kin.. sinabi niya.

Kasi nga di ba? We're friends... iyon pala ako lang ang nag'iisip n'on.

Kasi, for him.. STRANGERS pa din ako.
Iyong tipo na kung sino lang na nagcha'chat lagi at umiistorbo sakanya.. iyong wala lang sakanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 05, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Change Of Hearts Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon