Change of Hearts 11.

51 11 1
                                    

His Pov.

Ewan ko pero biglang gumaan yung pakiramdam ko nung nalaman ko na di natuloy si ReynangPrinsesa sa date daw niya.

Hindi naman yun simpleng date. Kundi blind date.

Ang isiping makikipagdate siya sa lalaking di pa naman niya nakikita at kilala ay siyang nagpapainit ng ulo ko.

Ganun na ba siya kadesperada?!

Naikwento kasi niya na naghahanap  nga daw talaga siya ng nobyo. Lintik na babaeng yun, bat kelangan maghanap? Kung darating at meron, for sure in time makakakita din siya.

Hindi itong puro kadesperadahan ang ginagawa.

Though dahil sa mga desperate moves niya kaya eto at nakakachat niya ako. Malas lang niya dahil hindi ako yung tipo niya kaya nagsettle na lang siya sa pakikipagkaibigan kunno sa'kin. Hindi ko rin naman siya tipo, kaya okay na ako sa kung anumang tawag sa kung anong meron kami.

All in all chatmate ko lang siya.
We're strangers. Ewan ko lang kung  strangers pa ngang masasabi.

Kasi naman, madaldal yung babaeng yun.
Halos yata lahat ng kwento ng buhay niya nasabi na niya sa'kin.

Well it feels good na ganun siya kakomportable sa'kin.

Yun na din ang kinaiinis ko.

Ang bilis pa naman magtiwala nun. Ang bilis mapalagay ng loob.

Sa panahon pa naman ngayon, mga kilusan ng mga lalaki.
Tss.

Hindi na ako nagmamalinis. Iisa lang naman ang gusto ng mga lalaki. Kadalasan ay yung bagay na yun lang naman talaga.

Wala ng matinong lalaki sa panahon ngayon.
Alam ko dahil kahit ako ay di naman matino.

Kaya ganun na lang ang kapanatagan ng loob ko ng malamang di siya natuloy. Kahit yung next week niya na yun sana wag na din matuloy. Tss

Tapos ang lintik, biglang binirahan ako ng 'laters' niya.

Sinabi ko lang na yung babae ko. Tss,

Palusot lang yun. Wala naman kaya talaga.

Kung alam lang niya, di ako nakatulog kakaisip sa tanginang date niya!

Ewan ko din bat ba di ako pinatulog ng bwisit na ideya na yan.

Masaya na din ako na kahit papaano okay na sila ng kapatid niya.

Sa loob yata ng halos dalawang linggo na naming magkachat.
Bukod sa mga kwento niya ay lagi din niyang inoopen ang kapatid niya.

Ang babaw lang naman ng problema nila.
Pero ewan, ang mahalaga okay na sila.

Isipin niyo yun ? Halos two weeks pa lang kaming magkachat pero halos kilalang kilala ko na siya.

Ganun kapalagay ang loob niya sa'kin. Tangina, kung ibang tao lang siguro ako baka napahamak na sa kadesperahan ang babaeng 'to.

Natanong ko na din siya kung bukod sa'kin meron pa ba siyang ibang nakakachat na di naman niya kilala personally. Buti na lang at ako pa lang. Wala pa daw siyang makitang iba e. Wala pa daw yung mga tipo niya. Wala pa daw siyang nakikitang iba.

See? Tipo naman talaga ako nito. Gwapong gwapo sa'kin.
Pero dahil sa nakikita niyang ugali ko na talaga namang ipinapakita ko sakanya kaya parang turn off na siya.

Okay na yun, because I'm not good to her.
Sobrang opposite kami.

Tama nang gabayan ko na lang siya sa kakahanap ng 'forevs' daw niya. Tss, daming alam nun.

Change Of Hearts Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon