Waaaaaaaaaaahh‘
Sigaw ni Vince at napahawak siya sa kanyang dibdib. Medyo hiningal siya sa tensyon. S-Sino ka?! Anong kailangan mo sakin?? Tanong ni Vince sa isang babae na nakaputing bestida at nakalugay ang buhok mukha naman itong disente pero may pagkaweird kasi nakayuko lang ito at medyo natatakpan ng buhok ang kanyang mukha. Oh.. sabi ng babae habang may inaabot na simcard. A-Anong gagawin ko dyan? Tanong ni Vince na may halong pagtataka. Sayo na lang yan di ba naghahanap ka ng maloloadan? Sabi ng babae. Ah, eh pano mo nalaman? Tanong ni Vince. Basta kunin mo na lang toh, wag ka mag-alala di nauubusan ng load yan. Sagot ng babae. Dahan-dahang kinuha ni Vince ang sim at medyo nanginginig pa. Gamitin mo yan sa mabuti. Kahit nagtataka at di niya maintindihan ang ibig sabihin ng babae ay umo-o na lang siya at nagpaalam na dahil uuwi na siya ng bahay. Tumalikod na si Vince at nung naalala niyang di pa siya nagpapasalamat ay humarap siyang muli. Pagharap niya wala na yung babae, kinilabutan siya pero di na lang niya ito pinansin. Asan na kaya yun? Siguro mabilis lang talaga siya maglakad kaya nawala agad. Sa isip-isip ni Vince.
Umuwi na siya ng bahay at agad niyang pinasak ang simcard sa kanyang cellphone...
==========================================================
××ABANGAN××
Guys sana magustuhan niyo first timer pa lang ako sa paggawa ng story. Please Vote/Comment if you like. Salamat :))))
BINABASA MO ANG
PICTURE MESSAGE!
Mystery / ThrillerTrip mo bang manloko sa text sa kung sinu-sino?! Kung ako sayo itigil mo na kung ayaw mong mapahamak ka at yung taong pagti-tripan mo!! Ikaw din baka isang araw lahat sabihin mong panloloko eh MAGKATOTOO at maging kapalit ng ginawa mo ay ang BUHAY m...