××× ENDING ×××

31 1 0
                                    

Dumating ang mga bumbero at agad napukaw ang sunog sa gasulinahan, mabuti na lang at hindi na ito kumalat sa mga kalapit na lugar. May mga dumating rin na mga pulis para mag-imbestiga sa mga pangyayari. Nakita nilang masyadong nasunog ang katawan ng biktima kaya hindi ito ganung makilala nagtatanong din ang mga pulis sa mga taong nakatira sa paligid ng gasulinahan kung sinong nakakita ng pangyayari ngunit walang nakakita ni isa. Sa paghahanap ng ebidensya ay natagpuan ng mga pulis ang isang cellphone na nasa paligid lang ng gasulinahan kinuha nila ito  gamit ang kamay na may gloves.at nilagay sa isang plastik bilang ebidensya. Bukod doon ay wala na silang nakitang iba pang ebidensya. Sinuri ito ng mga pulis at tinignan ang nilalaman, may nakita sila ditong tatlong litrato.

Yung unang litrato ay may kahalikan siyang isang lalaki ito ay si Raymond ang ex-boyfriend ng babaeng pinakamamahal ni Vince si Thaline, kakaiba ang itsura dito ni Vince dahil naka-wig siya at mukhang babae.

Pangalawa ay meron siyang katalik, ang asawa ni Mr. Carpio ang una niyang boss sa gasulinahan.

At ang pinakahuli ay nakatayo siya hawak-hawak ang isang sigarilyo at akmang itatapon ito sa lalagyan mismo ng gasulina.

Malinaw na sa mga pulis kung paano at bakit sumabog ang gasulinahan pero ang tumatakbo sa isip nila ay sinong kumuha ng mga litrato na yun kay Vince? Lalo na yung sa gasulinahan. Walang naging kasagutan sa kaso ni Vince. Pagkatapos ng lahat ng yun ay nalibing na si Vince, sobrang nagdalamhati ang kanyang pamilya lalo na ang kanyang ina. Naisip ng kanyang ina bakit kung kelan nagbago na si Vince ang kanyang anak ay saka naman ito kinuha sa kanila. Sa paglipas panahon ay may mga katulad pa rin ni Vince ang nakakatanggap ng simcard na iyon at kapag hindi agad natuto ay humahantong din sa KAMATAYAN..

* KAYA IKAW KUNG KATULAD KA RIN NI VINCE AY MAG-ISIP-ISIP KA NA HABANG MAY ORAS KA PA, MAGBAGO KA NA *

PICTURE MESSAGE!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon