To: Babe Thaline
Thaline, di na mahalaga kung sino ito may ibabalita ako sayo yung boyfriend mo may kahalikan sa bahay nila puntahan mo siya, bilisan mo!!
Tawa ng tawa si Vince pagkasend nun. Natatawa siya sa kalokohan niya at masaya din siya sa posibilidad na maghiwalay ang dalawa.
Agad-agad namang pumunta si Thaline sa bahay ni Raymond.
Maya-maya ay may nareceive na picture message si Vince sa kanyang cellphone.
*Tutut* *tutut*
Nagulat si Vince na ang picture message ay eksaktong-eksakto sa tinext niya kay thaline.. Tinignan niya kung kanino galing at ang number na nakalagay From: 666. Nagtaka siya dahil bukod sa walang ganung cellphone/telephone number ay walang nakakaalam ng number niya dahil bago lang ito.
Di na ito pinansin ni Vince sa isip-isip niya ay coincidence lamang ito.
Nung araw ding iyon ay kumalat ang balitang naghiwalay na si Thaline at Raymond. Nabalitaan din nila ang ginawang panloloko ni Raymond na nahuli siya ni Thaline nakikipaghalikan sa ibang babae.
To be Continued..
BINABASA MO ANG
PICTURE MESSAGE!
Misteri / ThrillerTrip mo bang manloko sa text sa kung sinu-sino?! Kung ako sayo itigil mo na kung ayaw mong mapahamak ka at yung taong pagti-tripan mo!! Ikaw din baka isang araw lahat sabihin mong panloloko eh MAGKATOTOO at maging kapalit ng ginawa mo ay ang BUHAY m...