CHAPTER 6

35 1 0
                                    

Nakalipas ang ilang araw at nakalimutan na ni Vince ang mga pangyayari dahil naghahanap siya ng trabaho. Naiirita na kasi siya sa sermon ng kanyang ina araw-araw dahil nga wala siyang trabaho. Sa isang linggong paghahanap at pag-aapply ay nakahanap din siya. Natanggap siya sa isang gasulinahan. Pagkatanggap sa kanya ay agad-agad siyang pinagtrabaho dahil sa kulang sa trabahador. Ilang araw pa lang siya sa trabaho ay nakasundo niya agad ang mga kasamahan.

Isang araw ay napag-initan siya ng kanilang boss sapagkat late siya ng dating sa trabaho at di pa siya naka-uniporme. Dahilan niya'y trapik daw at nagkaroon ng emergency sa kanilang bahay kaya siya na late. Kaya naman daw di siya nakauniporme dahil nawawala daw at di niya makita. Pero ang totoo kaya siya na-late ay tinatamad siyang pumasok at di siya nakapag uniporme dahil di pa siya naglalaba. Magdamag siyang sinermonan ng kanilang boss at di siya pinapasok dahil nga di sya naka-uniporme dahil dito sobrang nabadtrip siya.

Pagkalabas ng opisina ng boss nya na si Mr. Carpio ay kinuha niya sa kasamahan ang cellphone number nito at umuwi na.

Kinaumagahan bago pumasok ay tinext niya ang kanilang boss.

.

.

.

To: Boss Busangot

Carpio, kung ako sayo umuwi ka na sa bahay niyo ngayon din! Yung asawa mo nakikipagtalik sa ibang lalaki.

.

.

Pagkareceive ni Mr.Carpio ng text ay nanginig ang kanyang buong katawan at namutla. Nagmamadaling siyang umuwi ng bahay.

.

.

.

.

Pumasok na ng trabaho si Vince na nakangiti. Tuwang-tuwa sa kalokohan, sa wakas ay makakaganti na siya sa kanyang boss. Masaya siyang nagtrabaho sa gasulinahan.

Maya-maya'y *tutut* *tutut* may nareceive siyang picture message. Sobrang nagulantang si Vince sa nakita. Duguang babae't lalaki ang nasa kama at andun din si Mr.Carpio na may hawak na kutsilyo. Sa sobrang takot na naramdaman ay nabitawan niya ang kanyang cellphone, napatingin sa kanya ang mga kasamahan kaya naman pinulot niya agad ang kanyang cellphone.

Uy Vince anong problema? Tanong ni Gyan, ang kasamahan niyang babakla-bakla.

A-ah w-wala ^_^..

at bumalik na sila sa kani-kanilang ginagawa.

To be Continued..

PICTURE MESSAGE!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon