I - Unexpected Encounter

192 5 0
                                    

I

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


I.

RIIIIINNNGGG. RRRIIIIIINGGG.

Halos mahulog sa kama si Annika nang biglang mag-alarm ang kanyang cellphone.

"Bakit ba nag-aalarm tong cellphone ko, wala naman akong traba-"

Nanlaki ang kanyang mga mata nang bigla nyang maalala na siya nga pala ay may job interview  sa isang kompanya na matagal na niyang gustong pasukan. Nagmamadaling bumangon, kumain, naligo, at sinuot ang kanyang biniling bagong blouse at pantalon, sa paniniwala niyang swerte ang kanyang bagong mga damit.

"Nakaka good vibes talaga pag bago suot ko! Mukhang may pag-asa na kong matanggap ngayon"

Sabi niya sa sarili habang nakaharap ito sa salamin at tinitignan mabuti kung gano siya kaganda sa kanyang kasuotan.

"NEXT TIME WAG MO KAKALIMUTAN MAGSARA NG KURTINA KUNG MAGBIBIHIS KA!"

Isang malakas na sigaw mula sa kabilang bahay ang kanyang narinig. Bigla niyang naalala na hindi nga pala niya naisara ang mga kurtina mula paggising dahil sa pagmamadali niya.

"Hay nako Lionel! Bakit ngayon mo lang sinabi kung kelan tapos na ko magbihis!"

Aniya sa lalaking naka dungaw mula sa bintana ng kabilang bahay.

"Hindi mo ba alam na pati ako nagising sa alarm mo? Nag cr lang ako kasi kumulo tyan ko tapos pagbalik ko bumalandra sakin pagbibihis mo! Ewww"

Sabi ng binata.

"Che! Nakikitingin na nga lang! Akala mo naman ngayon mo lang to nakita!"

Sagot nito habang nag memake-up sa harap ng kanyang dresser.

Matagal nang magkakilala si Annika at Lionel, simula bata pa lamang sila ay lagi na silang magkasama dahil magbestfriend ang knilang mga nanay. Naging matalik rin na magkaibigan ang dalawa sa kadahilanang palagi silang naglalaro ng magkasama tuwing magkikita ang kanilang mga nanay.

"May interview ka nga pala ngayon no?"

Tanong ni Lionel kay Annika.

"Oo, at alam mo na kung saan."

Sagot nito.

"Teka lang, mamaya na tayo magchikahan, male-late na ko nito e!"

Dugtong ng dalaga.

Nagmamadaling kinuha ni Annika ang kanyang mga gamit at dinouble check niya lahat kung nadala niya ang kanyang mga requirements.

"Resume.. Bonggang Portfolio.. OK! Let's do this!"

Sabi nito sa sarili. Sinuot na rin niya ung paborito niyang sapatos para lalong swertihin.

Fashion Design ang tinapos ni Annika sa kolehiyo. Nagkatrabaho naman na siya dati pero hindi siya tumatagal. Dahil kung hindi maliit ang sahod ay hindi niya matagalan ang mga taong matataas ang tingin sa sarili, yung mga tipo ng tao na ayaw niyang makasama sa opisina. Mahal niya ang Fashion kaya gusto niyang ma-enjoy ang trabaho.

Iridescent LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon