VI - First Day

46 6 5
                                        


VI.

Lumipas ang mga araw at naipasa na rin ni Annika ang kanyang mga requirements.

[Annika]

[Pabalik na ko ng bahay, rest day mo ngayon diba?]

Habang naglalakad si Annika ay tinawagan niya ang kanyang kaibigan at niyaya niya itong manood ng sine. Ang dahilan niya ay baka raw hindi na sila makalabas ng madalas kapag nagsimula na ito sa trabaho.

Nag-aabang na si Lionel nang abutan ito ni Annika. Nakatayo lamang ang  lalaki sa may entrance ng sinehan at may bitbit na popcorn, nang makita si Annika ay nagpanggap ito na nakatingin sa kanyang orasan.

"Daliiiii! magsisimula na!"

Pagbibiro ng kaibigan. Dali dali namang tumakbo si Annika papalit kay Lionel at bigla na lamang tumawa ito ng malakas.

"HAHAHAHA! Gotcha!"

Walang tigil na tawa ng binata.

"Don't tell me nag-jjoke ka lang?!!"

Sabay tulak ng dalaga kay Lionel at muntik pang matapon ang hawak nitong popcorn.

"Oyyyy popcorn ko matatapon! 15 minutes pa actually!"

Sagot ng binata na natatawa pa rin at naghahabol ng hininga.

"Tara na pumasok na tayo sa loob at puro ka kalokohan talaga."

Pagsusungit ng dalaga sa kaibigan at sabay hinila nito papasok ng sinehan ang binata na wala pa ring tigil ang pagtawa dahil naloko na naman niya si Annika.

Ang pinanood nila ang tungkol sa isang binata na nawalan ng memorya at dahil doon ay nakalimutan niya ang mukha nang kanyang asawa. Mahilig si Annika sa ganitong mga klaseng palabas. Wala namang nagagawa si Lionel kung hindi samahan siyang manood.

"Uwaaaa. kawawa naman talga ung bida."

Natapos na silang manood at hindi pa rin maitago ni Annika na sobra siyang naapektuhan.

"Kumalma ka nga, baka isipin pa ng mga tao ako pa nagpaiyak sa'yo"

Sabi ni Lionel habang pinapatahan ang kaibigan. Inabutan niya pa ito ng panyo.

"Nagugutom na ko, kumain na tayo, libre ko naman e!"

Dugtong nito. 

"Ramen! Ramen!"

Naliwanagang sinabi ni Annika nang sinabi ni Lionel na manlilibre siya.

"Ayan, jan ka magaling! Ang drama mo talaga, gusto lang ng libre, tara na!"

Sabi nito kay Annika.

Naglakad na ang dalawa at nagpunta sa isang Japanese Restaurant. Umorder na si Annika na parang wala ng bukas. 

"1 Miso Ramen, 1 Karaage-don, 2 orders ng gyoza and 1 large Red Iced Tea sakin."

Gulat na sinusulat ng waiter na babae ang mga order ng dalaga. Sa payat nito ay malakas talaga siyang kumain. 

"Yung sa'yo po sir?"

Tanong ng waiter kay Lionel.

"1 Tonkatsu, 1 Shoyo Ramen and 1 large Red Iced Tea"

Ito naman lagi ang inoorder ng binata sa tuwng kakain sila sa Japanese Rastaurant.

Dumating na ang kanilang mga order at nagsimula ng kumain ang dalawa.

"Start ka na nga pala next Monday no?"

Sinimulan ni Lionel magtanong sa kaibigan.

"Oo, kinakabahan na nga ako."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 23, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Iridescent LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon