V.Naghanap ng mauupuan ang dalawa, inilalayan ni Cedric si Annika sa pag-upo nito bago siya nagpunta sa kanyang upuan.
"Ako na ang oorder, anong gusto mo?"
Tanong ni Annika sa binata na tumitingin sa menu.
"Iced Caramel Macchiato na lang sakin."
Sagot ni Cedric.
"Perfect! Yan din palagi kong inoorder dito!"
Masayang sabi ni Annika.
Kinuha nito ang kanyang wallet at nagpunta na sa counter para umorder.
"2 Iced Caramel Macchiato please."
Order nito.
Natapos na siyang umorder at nagpunta na siya sa side kung saan hinihintay ang mga orders. Doon ay pinapanood niya ang matalik na kaibigan na nagpprepare ng kanilang mga inumin. Focus na focus talaga si Lionel kapag nag-ttrabaho, basta talaga kape tila lumulutang isip nito.
"2 Iced Caramel Macchiato for Annika."
Iniabot na nito ang dalawang order ng dalaga.
"May kkwento ko sa'yo mamaya pag-uwi mo!"
Excited na sinabi ni Annika sa matalik na kaibigan.
Lutang ang isip nitong si Lionel simula makita niyang may kasamang lalaki si Annika.
"Siguro yung sasabihin niya sakin tungkol jan sa lalaki." Isip nito.
"Pero okay lang yun, hanggat masaya siya. Masaya na rin ako para sa kanya." nakangiting sinabi ni Lionel sa sarili.
Mahalaga si Lionel kay Annika kaya't wala na lamang itong gustong mangyari kung hindi makitang masaya ang matalik na kaibigan.
Bumalik na si Annika sa kanilang table at iniabot kay Cedric ang order nito.
"Boyfriend mo?"
"Siya rin ung nakita kong kasama mo last time, right?"
Dagdag na tanong nito kay Annika habang nakatingin ito kay Cedric.
"Ah hindi. Best friend ko si Lionel. Magkakilala na kami since bata pa kami."
Sagot ni Annika habang iniinom ang kape na inorder nila.
" Ah I see..." maikling sagot ni Cedric.
Nagkwentuhan ang dalawa tungkol sa trabaho, anong klaseng company ba ang Fashion Zone Inc., mga empleyado na dapat niyang iwasan, mga boss na masusungit, at siyempre kung gano kasaya sa Fashion Zone Inc.
"Mag-eenjoy ka sa office. Medyo busy nga lang pag may events, pero enjoy naman."
Sabi ni Cedric.
"That's good. I love what I do, kaya mas okay kung ma-eenjoy ko talaga ang work place ko."
Sagot ni Annika habang inuubos ang laman ng kanyang baso.
"Oh pano? I have to go. Actually naka halfday lang ako ngayon. Kailangan ko pa pumasok."
Sabi ni Cedric habang inaayos ang mga gamit.
"Ay oo nga pala, weekday nga pala ngayon, buti hindi mahigpit boss mo.."
Sabi ni Annika sa pag aalalang naabala nito ang binata.
"My boss? Mukhang hindi nga."
Nakangiting namang sagot nito.
Mula sa malayo ang nakatingin lamang si Lionel sa dalawa. Ngayon lamang niya ulit nakita ang kaibigan na nahihiyang makipag-usap sa lalaki, halatang halata sa ikinikilos nito na tipo niya talaga si Cedric. Pakiramdam ni Lionel ay darating ang araw at hindi na siya kailangan ng dalaga, at baka dumating rin ang araw na mangyari ulit ang nangyari sa unang naging boyfriend ni Annika, natatakot si Lionel na makitang masasaktan ang kaibigan, ngunit nakikita naman niyang masaya ito ngayon kaya't hindi muna siya masyadong nag-aalala.
"Huy, matunaw."
Pangangantyaw ng katrabaho nito.
"Kala ko talaga bro, girlfriend mo si Annika kasi lagi kayo magkasama, bagay pa man din kayo. Kaso sino kaya yang unggoy na umaaligid sa kanya, rich kid ang lolo mo!"
Dugtong pa nito.
Intinulak ni Lionel papasok ng kitchen ang katrabaho dahil nagaalala ito na baka marinig nila Annika ang pinagsasabi niya.
"Dun ka nga, tapos na break mo diba, magluto ka na lang daming pending oh."
Sabi ni Lionel habang itinutulak ang katrabaho sa loob. Nang nasa loob na ang dalawa ay may ibinulong ito kay Lionel.
"Kung ako sa'yo bro, uunahan ko na."
Bulong ng katrabaho nito. Nagulat si Lionel na tila napaisip. Ano nga ba ang nararamdaman niya para sa kaibigan, naguguluhan na ito ngunit kailangan niyang linawin ang kanyang isipan bago pa mahuli ang lahat.
Pagbalik niya sa counter ay nakita na niyang paalis na si Cedric, sumenyas din ito kay Lionel na tila nagpapaalam. At ganun rin naman ang ginawa ni Lionel. Pagkaalis ni Cedric ay lumapit si Annika kay Lionel.
"What time out mo? hintayin na kita."
Tanong ni Annika kay Lionel.
"Two hours pa, wag mo na ko hintayin, ihahatid na lang kita ngayon."
Sabi ng kaibigan habang nagtatanggal ng apron.
"Sir, break lang ako."
Paalam nito sa manager. Tumungo ang manager nito at pinayagan si Lionel mag-break muna para maihatid ang kaibigan.
Habang naglalakd ang dalawa ay sinabi na ni Annika ang magandang balita.
"Guess what?"
Na-eexcite na tanong ni Annika sa kaibigan.
"Ano? May boyfriend ka na?"
Sagot nito.
"Loko! Wala! Mas maganda pa dun ang nangyari!"
Sabay hampas nito sa kaibigan.
"Tanggap pala ko sa Fashion Zone Inc.! Tumawag sila kanina sabi sakin na-wrong send daw sila kahapon! Mag-rerequirements na ko!!"
Tuloy tuloy na kwento nito.
"Ahhh kaya pala kasama mo ung Cedric. Dun mo nakilala un diba?"
Pang-uusisa ng kaibigan.
"Oo, siguro napadaan lang kanina un dito, nakita ko siya sa park e, siya nga nagsabi na tanggap pala ako, pina-confirm niya lang sa officemate niya."
Excited pa rin na sagot nito.
Nakita ni Lionel na sobrang saya ni Annika dahil nakuha at nakapasok ito sa kompanya na pinapangarap niya. Ayaw na niyang sirain ang mood nito kaya't di na siya nagtanong ng iba pa.
"Congratulations! O ano inom ulit? Celebration naman!"
Pagbibiro nito.
"Papatayin mo ba ko? Di pa nga ako totally nakaka-recover sa nangyari kagabi!"
Sagot ni Annika.
"Biro lang. Mag-uuwi na lang ako ng cake mamaya."
Nanlaki ang mga mata ni Annika nang marinig nito ang salitang "cake". Paborito kasi ito ng dalaga.
"Yehey! You're the best talaga!"
Sabi ni Annika at pilit nitong abutin at akbayan ang kaibigan. Malaki na kasi ang itinangkad nito simula nung mga bata pa sila kaya't nahihirapan na si Annika dahil mas matangkad na sa kanya ang kaibgian.
------
Author's Notes:
Wow part 5 na! Ang kawawang bestfriend. Magpapaubaya na lang nga ba talaga hanggat nakikita niyang masaya ang kaibigan?
FOLLOW ME AND VOTE PLEASE! 💕
BINABASA MO ANG
Iridescent Love
Roman d'amourSi Annika (Kim Yoo Jung) ay isang Fashion Designer pero currently unemployed. Mag-isa siyang nakatira sa kanyang apartment at kapitbahay niya ang kanyang matalik na kaibigan na si Lionel. Si Lionel (Park Bo Gum) naman ay isang barista sa isang cafe...