II - Second Time

61 4 0
                                        

II.

Maya maya lang ay bigla nang tinawag ang pangalan ni Annika ng assistant.

"Ms. Annika Stanford, follow me please."

Huminga ng malalim at inayos ni Annika ang sarili. Bitbit ang kanyang mga gamit ay sinundan niya ang assistant.

"Imposible naman yatang si Cedric un. Di naman siya mukhang executive."

Umupo siya sa harapan ng panel. Kabadong kabadong naghihintay ng mga itatanong sa kanya at pinipilit ng ngumiti. Ang ipinagtataka niya ay di pa rin sila nagsisimulang magtanong. Siguro ay dahil kulang pa ng isang tao na mag iinterview. May bakanteng upuan pa kasi sa gitna ng panel. Di nagtagal ay nagsalita ang lalaking mukhang masungit na nakasalamin sa gitna.

"He's late. We don't have much time to do this interview. We better start now."

Nagsimula nang magtanong ang mga panel kay Annika na maayos naman niyang nasagot. Kinakabahan pero confident. Marahil dahil ito sa bagong blouse at pantalon o dahil sa swerteng sapatos. O di naman kaya dahil sa gwapong nakita niya noong umaga.

"Woooh! Natapos rin!"

Sabi ni Annika habang lumalanghap ng sariwang hangin paglabas ng building. Naupo muna siya sa isang park para magpahinga at para na rin kainin ang egg sandwich na pinabaon sa kanya ni Lionel.

"Kamusta interview?"

Isang pamilyar na boses ang kanyang narinig mula sa kanyang likuran. Bumungad sa kanya ang matalik na kaibigan na si Lionel na may dalang cold coffee para sa kanilang dalawa.

"O bat ganyan mukha mo? kala mo siguro ibang tao noh?" tanong ni Lionel.

"Oy hindi ah! Oh Lionel, di ka pumasok?"

Tanong ni Annika habang inaabot ang kape na dala ng binata.

"Kahapon pa ko nagpaalam na maghahalfday ako ngayon" sagot nito.

"Pano ka na lang diba? Pano ka uuwi? Di mo naman alam tong lugar na to. Pano ka kakain? tingnan mo nga, kung wala ako dito, wala ka ring inumin."

Tuloy tuloy na sinabi ni Lionel na tila isang ina na nagaalala sa kanyang anak.

"Para kang nanay talaga."

Pang aasar ni Annika sa kanya. Nagkatinginan lamang ang dalawa at sabay na tumawa. Sobrang komportable nila sa isa't isa kaya naman wala na lang sa kanila ang ganitong mga bagay.

"Buti na nga lang naabutan pa kita. Medyo natrapik ako e. Bumili pa ko ng kape sa SB para satin. Bakit parang ang tagal mo yata natapos?"

Tanong nito habang ninanamnam niya ang kanyang kape.

"Hindi ko nga rin alam e. May hinintay pa kasi silang isa pang mag iinterview. In the end hindi rin dumating." Sagot ni Annika sabay kagat sa kanyang egg sandwich.

"Ano ba yun, napaka unprofessional naman nun!" sabi ni Lionel sabay lapag ng kanyang inumin sa bench.

"Grabe ka naman, malay mo nagka emergency diba?" sagot naman ni Annika. "hmmm" iyon na lang ang naging tugon ni Lionel dahil alam niyang wala naman siyang panalo lalo na at hindi papatalo itong si Annika.

Matagal na nagkwentuhan ang dalawa. Kung anu anong bagay naman ang napaguusapan nila palagi. Mula sa simpleng kulay ng damit nila hanggang sa mga nilalang na namamalagi sa ibang parte ng galaxy.

"Annika?"

At isa na namang pamilyar na boses ang narinig ni Annika. Nanlaki ang kanyang mga mata nang siya ay lumingon. At siya ngang nakatayo sa gilid niya, isang binata, naka t-shirt na itim, naka pantalon, matangkad, black hair, blue eyes.

Napalingon din ang matalik na kaibigan niyang si Lionel at nagtaka ito kung sino ang lalaki.

"Sorry, baka nagkamali ka lang bro." sabi ni Lionel sa lalaki.

"Pano ko magkakamali? parehong reaksyon yang nasa mukha niya ngayon sa mukha niya kaninang umaga." sagot ng lalaki.

"C-Cedric, right?" nauutal na sinabi ni Annika na siya namang ikinagulat ni Lionel.

"So, you remembered." sabi ni Cedric na may ngiti sa kanyang mga labi.


-----

Author's Note:

Part 2 is done! Aha! Nagulat si Lionel dahil kilala ni Annika ung lalaki. Naramdaman ni Lionel na may itinatago ang kanyang bestfriend sa unang pagkakataon.

FOLLOW ME AND VOTE PLEASE! 💕  

Iridescent LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon