III - The Bestfriend

56 4 0
                                    

III.

"Y-yes. Ay oo nga pala!"

Sabi ni Annika na tila may kinukuha sa kanyang bag. Nilabas nito ang isang ballpen at iniabot kay Cedric.

"Thank you, you saved me."

Nagpasalamat si Annika habang iniaabot kay Ceric ang ipinihiram sa kanyang ballpen ng binata.

"No problem. Not really expecting na maibabalik pa nga itong ballpen ko." 

Sagot nito habang inilalagay sa kanyang bulsa ang hiniram ng dalaga. 

"Mukha pa namang mamahalin ung ballpen niya tapos hahayaan niya lang. Mas ninanakaw pa nga ballpen ngayon kesa cellphone" nasa isip ni Annika.

"Heading somewhere?" tanong ni Annika.

"Ah yeah, I'm getting coffee. Nagkataon lang na nakita kita, so I dropped by to say Hi." 

"Oh and you are?"

Dugtong nito nang maalala niyang may kasama nga pala si Annika na isang lalaki.

"Lionel."

Maiksing sagot nito na tila wala sa mood makipag-usap.

Napansin agad ni Annika na nagbago ang reaksyon ni Lionel, hindi siya sanay makita na ganoon na lamang ang itsura ng mukha ng kaibigan kaya't naisipan niyang tumayo na lamang at magpaalam na kay Cedric.

"Ah- eh Cedric, we have to go."

Sabi ni Annika habang inaayos ang kanyang mga bitbit at tinapik na si Lionel upang tumayo.

"Ah I see. See you later then!"

Pinagmasdan palayo ni Cedric ang dalawa na tila nagbubulungan habang papalayo sa kanya.

"Ikaw, sino ba yun ha, may tinatago ka ba sakin?"

Tanong agad ni Lionel nang makita niyang malayo na sila kay Cedric.

"Wala yun!" mabilis na sagot ni Annika.

"Anong wala wala, papa-cute ka pa, pa english english ka pa!" nagtatampong sagot ni Lionel sa matalik na kaibigan.

"Wala nga yun, pinahiram niya lang ako ng ballpen kanina, nawawala kasi ung ballpen ko na nilagay ko sa bag ko kagabi." 

Sagot ng dalaga.

"Talaga ba?"

paninigurado ni Lionel.

"Oo nga, kulit naman nito, maka-interogate kala mo pulis."

"Tara na nga!"

Dali daling hinila ni Annika si Lionel habang naglalakad sila papunta sa sakayan ng bus.

"Naniniwala naman ako sa kanya kaso parang hindi lang kasi talaga un ung nangyari between her and that guy. Mag aalala na ba ko..." Isip ni Lionel.

Sa sobrang pagod at stressed ni Annika kakaisip sa interview niya ay nakatulog ito sa byahe. Inalalayan ni Lionel ang ulo ng dalaga at dahan dahang inihiga sa kanyang balikat upang hindi ito mahirapan.

"Hay.. Pano ka na lang talaga pag wala ako..." bulong nito.

Maya maya lang ay may nagtext sa phone ni Lionel at ito ay ang kanyang manager.

--From Manager--

--Are you free tonight? May nag leave kasi kailangan ko ng papalit. 6-10pm lang.--

Napabuntong hininga na lamang ang binata. Isa kasi siya sa laging naasahan sa kanilang branch kaya't palagi na lamang siyang nasasamantala ng mga managers niya.

Iridescent LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon