IV - Dream

37 4 0
                                        

IV.

"Isa pa dito kuuuyaaa!"

Sabi ni Annika paglapag niya ng baso sa mesa.

"Oy, tama na yan. Nakakarami ka na."

Pigil ni Lionel sa kaibigan.

Biglaang nagyaya na uminom si Annika nang matanggap niya ang text mula sa Fashion Zone Inc.

*flashback*

--From Fashion Zone Inc.--

--We appreciate that you took the time to apply for the position of Fashion Specialist with our company. You were not selected to return for additional interviews.

We appreciate that you are interested in our company. Please do apply again in the future should you see a job posting for which you qualify.

Again, thank you for applying. We wish you all the best.--

*end*

"Uwaaaaahhhhh!"

Malakas na iyak nito ni Annika. Mabuti na lamang ay kasama niya ang matalik na kaibigan na si Lionel. Sinamahan lamang siya nito para makapag labas ito ng sama ng loob.

"Marami pang ibang kompanya. Para naman tong bata. Tahan na." Nag aalalang sabi ni Lionel kay Annika.

"Alam mo naman na gustong gusto ko sa kompanya na yun."

Umiiyak na sagot nito.

Naawa na si Lionel sa kaibigan kaya nagpasya siyang pilitin na itong umuwi nang makapag pahinga. Masyado ng maraming naaksayang luha si Annika. Namamaga na ang mga mata nito.

Inalalayan niya si Annika papasok ng apartment nito at inihiga na niya ito sa kanyang kama.

Pinunasan niya ang mukha ng matalik na kaibigan ng warm towel para mahimasmasan naman ito.

Tuluyan nang nakatulog si Annika. Binantayan lamang siya ni Lionel buong gabi dahil nag aalala ito. Nakatulog na lamang siya sa may sofa sa gilid ng kama ni Annika.

BBAAAAGG!!

"Aray! Aray!"

Nahulog si Lionel sa sofa at nagulat na lamang ito nang makitang wala ang kaibigan sa kama. Nagmamadali siyang tumayo at lumabas ng kwarto at ikinagulat na lamang nito nang makita niyang nagluluto ng breakfast ang dalaga.

"Oh gising ka na pala, prito lang kaya kong lutuin ha. Wag ka na maarte."

Sabi ni Annika na tila maayos naman ang pakiramdam kahit na marami siyang ininom noong gabi.

"Okay ka na ba? Knock out ka kagabi e. Ako na jan."

Nag-aalala pa ring tanong ng binata. Kinuha niya ang hawak ni Annika at itinuloy ang pagluluto nito.

"Hay. Naisip ko lang, okay na rin siguro un. Baka blessing para sa iba un at hindi para sakin."

Sabi ni Annika sa kaibigan.

Natapos ng magluto si Lionel at inihanda na niya ang mesa at makapag-agahan.

"Magpahinga ka na lang siguro ngayon."

Iridescent LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon