16- Blood and Pleasure

7.7K 452 109
                                    

Nagpa-panic ang lahat sa loob ng Infirmary habang pilit na sinasalba ni Dr. Erick ang buhay ni Gaius.

"It's a Foxglove-laced arrow. Siguradong kumalat na ang lason sa katawan n'ya," mataas ang boses ni Deus na panay ang lakad paroo't parito.

"D-Deus... Ano'ng gagawin natin? Baka mamatay s'ya," halos maiyak na si Tiana sa may sulok. Agad naman itong nilapitan ni Cole at niyakap kaya tuluyan na itong napaiyak.

Kita ni Rifka ang takot at pag-aalala sa mga mukha ng kambal. Kahit pala galit ang mga ito sa dating kaibigan ay hindi pa rin nawawala ang pagmamahal ng mga ito sa lalaki.

"Wala pa rin ba sila?" biglang pumasok ng Infirmary si Director Brisbois. Nakasuot ito ng puting pantulog na silk pajama pero puno iyun ng dugo. Maging ang mga kamay nito ay may dugo rin.

"Wala pa rin, Director," si Deus ang sumagot.

Natapos ang gulo nila sa labas nang biglang dumating ang Director kasama ang napakaraming Sentry. Sumibat ang Triad pero ang Faiga vampires ay naubos nila.

"Kumusta na si Mr. Kühn?"

"We're losing him, Director. Twenty minutes, kung hindi pa sila darating, mahuhuli na tayo," sabi ni Dr. Erick. Tumigil na ito sa pag-pump out ng poisoned blood ni Gaius gamit ang isang aparatu na humihigop ng dugo. Itinusok lang nila ang isang tube sa may sikmura ni Gaius at lumalabas mula doon ang itim na dugo.

Hindi na napigilan ng director ang magmura dahil sa matinding frustration.

Nakarinig sila ng tunog ng chopper sa labas kaya naman agad na lumabas si Director Brisbois.

"Yan na ba ang hinihintay natin?" tanong ni Tiana.

"Hindi. Kotse ang pinasundo ko sa kanila dahil nasa downtown lang naman sila," sagot ni Dr. Erick.

"Hindi ikaw ang tinatanong ko," irap ni Tiana rito kaya napailing na lang ang doctor.

Sa sulok ay nagtatalo ang isip ni Rifka. May magagawa siya para mailigtas si Gaius. Kapalit n'on ay ang lantarang ipakita sa kanyang mga kasama kung sino talaga siya at ano ang kaya niyang gawin. Alam niyang mapanganib iyun pero ito na lamang ang huling paraan upang mailigtas niya si Gaius.

Hahakbang na sana siya palapit sa hospital bed nito nang bigla na lamang may nakaagaw ng atensyon nila kaya napabalik siya sa kinaroroonan n'ya kanina.

"We're here! We're here!" sigaw ng isang lalaki mula sa labas at hindi nagtagal ay pumasok si Malik na may bitbit na maraming dahon kaya halos hindi na nila makita ang mukha nito at nakasunod dito ang dalawang ginang na nasa mid-forties na.

"Nasaan si Mr. Kühn?" sabi ng ginang na mahigpit na nakapusod ang buhok.

"Here," ani Dr. Erick at agad na tumabi silang magkakaibigan upang bigyan ng space ang dalawang healers na pinasundo nila.

Walang sinayang na panahon ang healers. Agad na inasikaso ng mga ito si Gaius na nagsimula nang magkulay violet ang buong katawan.

"Are you okay?" tumabi si Malik kay Rifka at pareho silang sumandal sa dingding hindi malayo sa hospital bed ni Gaius. Kita nila mula roon nang hiniwa ng healer na may Afro na buhok ang dibdib ni Gaius. Lumabas mula roon ang itim na dugo at nagsimula nang mag-chant ang mga ito.

Gaius was already half-dead. Ni hindi man lang ito nag-react nang hiwain ng malaki ang dibdib nito.

"Kasalanan ko ito," mahinang bulong ni Rifka. Siya ang nagsimula ng gulong ito.

"Sshh," ani Malik saka siya niyakap kaya nasubsob siya sa dibdib nito.

"Hindi siya malalagay sa sitwasyon na ito kung hindi ko s'ya hiningan ng tulong. I should have faced my enemies all alone."

SentryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon