26- Villains

7.6K 323 33
                                    

Mag-isang nagising si Rifka kinabukasan. Naalala n'ya naman agad ang pag-breakdown niya sa harap ni Gaius kagabi. Sinamahan siya nito sa kwarto niya dahil iniisip nito na baka mapahamak s'ya kapag iniwan siya nito. Nagpalit lang ito ng t-shirt sa sarili nitong silid kagabi dahil nadumihan niya ito ng dugo bago ito sumunod sa kanya.

Napabuntung-hininga siya. Kitang-kita na niya ngayon ang kabaitan ni Gaius na dati ay itinatago nito sa likod ng poker face nito.

Napansin niya ang pagiging thoughtful nito.

Tama nga siya. He wasn't a monster.

Naligo na muna siya at nagsuot ng malaking t-shirt na kulay gray at puting loose shorts na hanggang tuhod bago siya lumabas ng kanyang silid.

Nadatnan niya sa salas si Tiana na kasalukuyang nagbabasa ng isang libro habang naka-on ang TV. Sa tingin niya ay music video ng isang sikat na female pop singer ang naka-broadcast.

"Bumalik na si Gaius sa kwarto n'ya. Matagal ka kasing nagising. Ayaw naman niyang gisingin ka," bigla nitong sabi na saglit siyang sinulyapan.

Agad namang nag-init ang mukha niya. Ano na kaya ang iniisip ng mga ito tungkol sa kanila ni Gaius? They slept in each other's room. Kahit na wala naman silang ginagawang masama ay hindi naman niya hawak ang isipan ng mga kasama nila.

"Babalik na lang daw s'ya mamaya. Kumain ka na. And Gaius bought boar blood for you," muling nagsalita si Tiana kaya agad na bumalik sa sarili si Rifka.

"Ah... Thank you," aniya at akmang tatalikod na.

"Rifka," tawag ni Tiana kaya muli niya itong binalingan. Nakatingin na ito ng seryoso sa kanya.

"Ano 'yun?"

"Gaius looks tough but he already suffered enough. For a year, he endured the pain alone. Alam kong kasalanan namin 'yun dahil hindi namin siya binigyan ng pagkakataong mag-explain."

Kumunot ang noo niya. Why was Tiana telling her this?

"Ayokong masaktan pa s'ya uli," pagpapatuloy nito saka bumalik na sa pagbabasa.

Napaisip naman si Rifka. Pangalawang beses na itong tila binabalaan siya ni Tiana tungkol sa binata.

Mukha bang sasaktan niya ito?

Hindi na lamang siya nagkomento at nagtuloy na sa kusina para kunin ang dugong binili ni Gaius para sa kanya.

---

Mabilis na lumipas ang isang linggo. Maayos naman ang pag-aaral ni Rifka kahit na marami siyang iniisip.

Una, sina Atira at Beynish. Nasaan na kaya ang mga ito? Ligtas ba ang mga ito?

Pangalawa, ang Triad. Hindi pa rin niya maintindihan ang sinabi ni Santino. Why would she go with them willingly?

Pangatlo, kailangan niyang mabawi ang Faiga Mountains mula sa masamang pamumuno ni Yitzhak Achselrod.

Pang-apat, hindi pa rin bumabalik sa academy si Malik. Ang sabi ni Deus, mukhang masaya lang daw ang kaibigan nila pero may sarili itong issue sa pamilya nito. Kaya naman nag-aalala na sila.

At panglima, si Gaius. Hindi na sila muling nagkita at hindi na ito pumasok sa mga panaginip n'ya. Ilang beses niya itong namataan sa Dormire pero agad naman itong pumapasok sa silid nito na para bang lage itong busy. Hindi n'ya tuloy maiwasang isipin na may itinatago nanaman itong problema.

Si Cole na rin ang lage niyang kasama sa greenhouse para mag-alaga ng mga halaman ni Gaius. Tuwang-tuwa pa nga ito dahil balak nitong magnakaw ngayong alam na nito ang lokasyon ng greenhouse na dati ay itinago ni Gaius sa lahat.

SentryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon