34- The Storm... Murder

7K 371 57
                                    

Ang tagal na umiyak ni Rifka sa balikat ng lalaking bagong dating at naramdaman niya ang higpit ng yakap nito sa kanya na para bang kumukuha ito ng lakas mula sa kanya.

"Kelan ka dumating dito? Saan ka ba nanggaling? Ano'ng nangyari? Nasaan si Atira, Beynish?" sunud-dsunod niyang tanong nang tingnan niya ang mukha nito. He looked malnourished pero hindi problema iyun. Ilang litro ng dugo lang at babalik na sila sa dati. Ang importante ay ligtas ito.

"Teka, hindi ito si Atira?" tanong ni Gaius na nakalapit na pala sa kanila. 

"Hindi. This is Beynish, isa sa mga kababata ko," sagot niya. "Beynish, ito si Gaius. That's Tiana, Deus, Cole at Malik. Sila ang mga naging kaibigan ko rito."

Tumango si Beynish. His silver eyes were not so trusting.

"Nasaan si Atira kung gan'on? Akala namin ay magkasama kayo?" si Tiana na ang nag-usisa at bumaha sa mukha ni Beynish ang pag-aalala habang nakatingin kay Rifka.

"Bago 'yan, pumasok na muna tayo," ani Deus na siya nang nagbukas ng pinto ng dorm room gamit ang sarili nitong susi.

Pinaupo nila si Beynish nang nakapasok na sila at agad itong pinalibutan. Maging si Sophia ay nasa loob din, nakatayo sa tabi ni Deus.

"Nasaan si Atira?" ulit na tanong ni Rifka nang makaupo siya sa tabi ng kanyang kababata.

"I'm sorry, Rifka. Lumaban kami ni Atira pero masyado kaming mahina. Ilang linggo na kaming hindi nakakain at nakainom ng dugo nang maayos. Hindi namin sila kinaya," naluluhang sagot ni Beynish.

Hinawakan niya ang nanginginig na mga kamay ng kaibigan. Natatakot ito.

"Beynish, ano'ng nangyari? Nasaan si Atira?" nagpa-panic na niyang tanong. Niyugyog na rin niya ang mga kamay nito. 

May masama bang nangyari kay Atira? Bakit hindi ito nakarating sa academy kasama ni Beynish?

"Rifka, hawak ng Triad si Atira," sa wakas ay sabi nito at kasabay n'on ay nabitawan niya ang mga kamay nito. Natutop na lamang niya ang kanyang sariling bibig at tahimik na napaiyak.

Tumabi naman si Tiana sa kanya at niyakap siya. She didn't feel any comfort though pero hinayaan na lamang niya na yakapin siya nito.

"Gaius," hinanap niya ang lalaki at agad naman itong lumapit at nag-squat sa harapan niya. "Ito na 'yung sinasabi nilang pupunta ako sa kanila willingly," umiiyak niyang sabi.

"Teka. Kelan n'yo nakausap ang Triad?" takang tanong ni Malik kaya nagkatinginan sila ni Gaius pero hindi sila sumagot.

"Here," ipinasa siya ni Tiana rito at si Gaius naman ang yumakap sa kanya. Sumubsob siya rito at  agad siyang nakaramdam ng konting ginahawa kahit papaano. 

"Hindi ka nila makukuha nang hindi tayo lumalaban," bulong ni Gaius na hinahagod ang kanyang likod.

"Hindi ko pwedeng pabayaan si Atira," hysterical niyang sabi kaya sinapo ni Gaius ang kanyang mukha at tinitigan siya ng mariin.

"Hindi natin siya pababayaan, okay? Ililigtas natin si Atira," sagot nito. Bakas ang sakit sa mga mata ng lalaki pero hindi na iyun napansin ng dalaga. Ang kaligtasan lamang ni Atira ang importante sa kanya ngayon.

Hindi niya mapapatawad ang sarili niya kapag may nangyaring masama rito.

"Tahan na. I will save him for you," bulong ni Gaius saka siya muling niyakap.

"Rifka, kahapon ako nakarating dito. Ang Triad pa mismo ang nagturo sa akin ng direksyon ng academy. At nabanggit ni Sophia na nandito si Neschume at nakakulong. Hindi sana ito mangyayari kung nauna kami ni Atira rito," agaw ni Beynish sa atensyon niya. Nakita pa niya ang nagtatakang tingin nito kay Gaius bago siya nito tiningnan.

SentryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon