24- Blood Moon Child

7.4K 407 50
                                        

"Hah!" hinihingal na napabangon si Rifka mula sa kanyang kama. Pang-ilang gabi na ba niyang napapanaginipan iyun? Nababaliw na ba siya kay Gaius? Ito na lang kasi ang lageng laman ng panaginip niya. Gaius, drinking her blood. And... ipinilig niya ang ulo.

Bumaba siya ng kama at lumabas ng kanyang silid para kumuha ng tubig. Kailangan niyang pakalmahin ang kanyang sarili dahil sa mainit na tagpong pinagsaluhan nila ni Gaius sa kanyang panaginip. Halos gabi-gabi nang nangyayari iyun at nagtataka na siya kung normal pa ba iyun.

Pagkatapos niyang uminom ng tubig ay agad na siyang humakbang pabalik sa kanyang kwarto. Pero bago pa man siya makapasok ay namataan niya ang gap sa pinto ng kwarto ni Tiana. Bukas pa ang ilaw sa kwarto nito ibig sabihin gising pa ito.

Baka nag-aaral pa.

Nagkibit-balikat na lamang siya bago bumalik sa kanyang silid. Mag-a-alas-singko na naman ng umaga kaya naisipan niyang 'wag nang bumalik sa pagtulog.

Walang pasok ng araw na 'yun dahil mamayang gabi na ang Blood Moon. Aasahan niyang may mga estudyante nang hindi lalabas ng kanilang mga silid at may iba ring maagang mawawalan ng kontrol.

Mas agresibo ang mga bampira kapag Blood Moon kaya kailangan niyang mag-ingat.

Lumabas siya ng kanyang silid nang mag-alas-otso. Kailangan na niyang kumain at balak niyang puntahan si Neschume. Kailangan n'ya rin itong bigyan ng kadena para mamayang gabi.

Nadatnan niya sa salas si Tiana na umiinom ng dugo mula sa isang tall glass. And her eyes were red.

"Maaga kong igagapos ang sarili ko ngayon," sabi nito kaya tumango siya.

"Aalis muna ako. Sisiguraduhin kong okay lang si Neschume bago ko igagapos ang sarili ko," sagot niya. Ang totoo, nagtataka siya. Kahit na pula na ang mga mata ng kanyang roommate ay hindi nito ipinapakita ang kasamaan ng ugali.

"And by the way, Gaius is a good guy," biglang sabi nito nang paalis na sana siya. "Don't hurt him. He deserves to be loved and taken care of."

Gulat na napalingon si Rifka upang tingnan si Tiana pero hindi na siya nakapagtanong kung ano ang ibig sabihin nito dahil pumasok na ito sa silid nito.

"That's weird," bulong niya saka tuluyan nang lumabas.

Buti na lang at hindi lumabas ng silid nito si Auberon nang magpunta si Rifka sa dorm room nito. Nakagapos na raw ito dahil ustable na ang kontrol nito sa sarili.

Si Neschume naman ay gan'on din kaya iginapos na ito ni Rifka sa kama nito gamit ang malaking kadena.

"See you tomorrow," sabi niya sa kaibigan bago lumabas ng silid nito.

Napakatahimik ng mga hallway sa Dormire. Tama nga siya na marami na ang hindi lumabas sa kani-kanilang mga silid.

Lumabas siya ng Dormire at nakita niya ang limang witches na palakad-lakad habang tumitingin sa paligid na para bang may ginagawa na inspection na ginagawa.

"Ms. Strauss, are you feeling well?" palapit sa kanya si Director Brisbois na nakasuot ng garb. Her blue eyes were curious.

"Ah opo, Director. Ano po'ng nangyayari?" aniya.

"Pinalagyan ko ng invisible ward ang buong campus. Simula n'ong umatake ang Triad at Faiga vampires ay hindi na ako mapakali. And we need protection from those witches lalo na ngayong mawawalan tayo ng control sa ating mga sarili," mahaba nitong sagot.

Tumango si Rifka sa pagsang-ayon. "Sa tingin n'yo, babalik ba ang Triad?"

"Oo naman. Kailangan ka nilang makuha para sa isang bagay. Hindi sila titigil hangga't hindi nila natatapos ang kanilang nasimulan."

SentryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon