Epilogue

10.6K 480 126
                                    

"Magkano po itong red tulips?" nakangiting tanong ni Malik sa matandang tindera ng bulaklak sa isang maliit na flowershop sa downtown Morland.

"Aba eh libre na 'yan. Gwapo ka naman, hijo," magiliw na sagot ng matanda kaya malakas na natawa si Malik.

Wala talagang pinapalampas ang kanyang kagwapuhan. Kahit mga lola ay nabibighani pa rin sa kanyang taglay na karisma.

'Yun lang ang laman ng kanyang isip kahit na n'ong patawid na siya sa daan papuntang sementeryo.

"Malik!" tawag ng isang boses babae kaya nilingon niya iyun sa pag-aakalang isa nanaman sa kanyang mga fans. Handa na sana ang kanyang ballpen para sa autograph.

"Auberon, ikaw lang pala," nakasimangot niyang komento. Naiinis pa rin siya rito dahil kahapon lang, nagpa-party ito sa mansyon ng pamilya nito at nakalimutan siyang imbitahin ng babae kaya hindi niya ito mapapatawad. Marami raw kasing magagandang supermodels na Purebloods ang dumalo.

He missed all the fun.

"Uy, sorry na. Akala ko naman kasi hindi na kita kailangang sabihan pa," nakangusong sagot nito saka kumapit sa kanang braso niya.

"Sorry, sorry. Hindi na maibabalik ng sorry mo ang opportunity kong makahanap ng supermodel na friends."

"Friends mo mukha mo!" anito.

Inirapan niya ang babae kaya mas humigpit ang pagkakakapit nito sa braso niya.

"Nami-miss mo pa rin ba sila?" bigla nitong tanong kaya napabuntung-hininga si Malik.

"Araw-araw," sagot niya.

Sana katulad pa rin ng dati ang lahat. Iyung magkakasama silang magkakaibigan.

Araw-araw niyang naaalala ang mga kabulastugang itinuro niya kay Cole dati at natatawa na lang siya minsan kapag naiisip niyang sinusunod nga nito ang mga tips na binibigay niya rito.

Nami-miss din niya ang pagiging mataray ni Tiana. Dahil sa ugali nito, tila naging musika na para sa kanya ang mga pagmamaldita nito kaya n'ong bigla iyung nawala sa buhay niya, tila ibinaon siya nang buhay.

Si Deus naman, laging kalmado at composed. Mabait pa. Kaya kahit na tinatalakan na ito ng kakambal ay tumatawa lang ito at tino-tolerate ang babae.

At si Rifka. How he missed her innocence.

"Oh nandito na pala sila," biglang sabi ni Auberon kaya natigil si Malik sa pagmumuni-muni.

Nakita niyang papasok din sa gate ng sementeryo sina Atira at Beynish. Katulad niya, naka-black suit din ang mga ito at may dala-dalang malalaking basket ng bulaklak.

"Kailan kayo dumating?" tanong ni Malik nang makalapit sila sa dalawa na tumigil nang nakita silang paparating.

"Kagabi lang," si Atira ang sumagot. Galing pa sa Faiga Mountains ang mga ito para sa okasyon nang araw na 'yun.

"Oh eh kumusta ang Faiga?"

"Doing a lot better," sagot naman ng lalaki.

"Hi, Beynish," nakangiti ng nang-aakit si Auberon kay Beynish na agad na napataas-kilay.

"What do you want, Auberon?" suplado nitong tanong. Narinig ni Malik na naging woman-hater na itong si Beynish dahil sa ginawa ni Neschume. Ayaw na raw nitong masaktan pa.

Sabi nito dati, "Women are like flowers. They make you happy for a little while and when you're at your happiest, they wither and in a second, they're gone."

Tinawanan pa ni Malik ang analogy nito dahil ang lame pero naiintindihan naman niya ang point nito. Hindi siya woman hater. Ang totoo n'yan, lover siya. Pero alam niya ang pakiramdam ng naiiwan.

SentryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon