19- Useless

7.4K 326 32
                                    

"Forrest, Gaius, may ipapakilala kami sa inyo," nakangiting bungad ni Juliana Kühn sa dalawang anak na lalaki na nakaupo sa kanilang library.

"What is it, Mother? I am busy," seryosong sagot ni Gaius na nagbabasa ng Almanac. Sa edad na walong taong gulang ay wala itong alam sa mga laruang pambata. Lage itong nagbabasa ng mga libro katulad ng encyclopedia, atlas, almanac, science books at kung anu-ano pang academic literature.

Hindi naman kumibo si Forrest. Busy rin ito sa pag-aaral sa libro ng kanilang maliit na kompanya na bigla na lang nagkaroon ng napakalaking investment.

"Honey, bring her here," sigaw ni Juliana at pumasok nga ng kanilang library si Mr. Damian Kühn at sa kanang kamay nito ay nakakapit ang isang batang babae na halos kaedad lang ni Gaius.

"Meet your new sister, Auberon Wallhoff," nakangiting sabi ni Damian. He was a very good looking man but his children didn't get his  blond hair and blue eyes.

"Come here, sweetie. Meet your new brothers," nakangiting aya ni Juliana sa batang babae na may pulang buhok at green na mga mata.

"Why do we need a new child in this house? I'm already here," seryoso ang mukha ni Gaius saka padabog na isinara ang hawak na almanac.

"C'mon, baby bro, you're not a child. You're a big man in a child's body," sabi ni Forrest. Tumayo ito saka lumapit sa batang babae na agad na nagtago sa likod ni Juliana.

"Sweetie, don't be scared. This is your new older brother, Forrest," Juliana's smile was so big and friendly kaya naman nakampante si Auberon.

"Do you like chocolate?" ani Forrest na nag-squat sa harap ng bata.

Umiling si Auberon. "Lollipop."

"Excellent. Gaius, samahan mo si Auberon sa kitchen. Bigyan mo ng maraming lollipop," utos ni Damian kaya padabog na tumayo si Gaius.

"Ibigay mo na lahat ng lollipop na nandoon, son. Hindi mo naman kinakain ang mga 'yun. You know I bought those for you," ani Juliana.

"Candies will just ruin my teeth so no thank you," straight face na sagot ni Gaius at nauna nang lumabas.

"Ang KJ talaga ng batang 'yun," natatawang komento ni Juliana.

"Well, dear, you trained him to be like that," sagot naman ni Damian at yumakap sa asawa.

"Naiinggit naman ako," ani Forrest.

"Darling, Auberon, sumunod ka na kay Gaius sa kitchen," nakangiting utos ni Juliana sa bata na agad namang tumakbo palabas.

"Come here, son. Mommy needs a hug," malambing na sabi ni Juliana kaya agad namang sumunod si Forrest.

"Forrest likes Mommy hugs," pabibo nitong sabi kaya nagkatawanan sila.

Samantala, sa kusina, parang isang scientist na nasa laboratoryo si Gaius habang matamang tinititigan ang batang si Auberon na kumakain ng dalawang lollipop, isang pula at isang orange. Pareho silang nakaupo sa kani-kanilang silya at nasa gitna nila ang pabilog na mesa sa eat-in area.

"Nasaan ang mommy at daddy mo?" ani Gaius.

Hindi sumagot si Auberon pero natigilan ito at namumula ang mga mata na parang gustong maiyak.

"Hindi ka na ba mahal ng mga magulang mo? Why are my parents adopting you?" pero insensitive ang batang Gaius. "You are not special looking. You look plain. Wala kang front teeth. Sipunin ka pa. So, again, why are my parents adopting you?"

Nagsimula nang maluha si Auberon pero patuloy pa rin ito sa pagkain ng lollipop.

"Your parents don't love you anymore. They abandoned you that's why my parents want to adopt you," nakakrus na ang mga kamay ni Gaius habang nakatingin sa batang babae.

SentryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon