Chapter 11:

12 1 0
                                    

Chapter 11: first kiss

Justin's POV:

Natutulog pa sila James at Alyssa habang kaming lahat eh gising na. Sa aming 10 silang dalawa ang tanghali gumising. Silang dalawa yung tipong kahit anong gising mo di pa rin magising.

"Justin!" Dali dali akong lumabas ng banyo ng marinig ko ang pangalan ko. Nakita ko naman si Lixette na inip na inip ng naghihintay. "Bilisan mo! Gisingin mo na yung dalawa dali!" Agad nitong utos nang makita ako.

Umakyat ako sa kwarto namin. Akala ko pa naman kaya niya ako tinawag dahil sasagutin na niya ako. "Hoy kayong dalawa bumangon na kayo!" Sigaw ko tapos tinanggalan sila ng kumot at pinatay ko yung fan.

Tanging ungot lamang ang naging sagot nila. "Ano ba naman yan eh... Ang init init." Pagmamaktol ni Alyssa. Siguro di na matiis yung init at tumayo na rin.

"Hoy James! Tatayo ka diyan o ipapakasal kita Kay Alyssa." Bigla namang napatayo si James sa higaan at tumingin ng masama sa akin. Natawa naman ako sa reaction niya.

"Tayo na kasi. Baka makasal pa ako ng di oras sayo." Siingit ni Alyssa habang nagsusuklay. Hay nako tong dalawang ito.

Kumamot ulo naman si James tsaka nag salita, "eto na tatayo na." Natawa na lang ako sa dalawa.

"Nung tinatawa tawa mo diyan?" Sabay pa nilang sabi. Tumigil ako kakatawa.

"Bagay kayo." Tsaka ako lumabas. Narinig ko naman silang sinisigaw Ang pangalan ko. As if naman na pansinin ko pa sila.

Maya maya pag baba ko ay ilang minuto lang ay bumaba din Ang dalawa kaso nga lang nagtatalo.

"Para namang luging lugi ka sa akin. Ang gwapo ko kaya."

"Gwapo mo mukha mo. Kamukha mo lang aso namin eh."

"Eh di maganda lahi nang aso niyo."

"Kalahi mo nga kasi askal yo- ahh!"

Mahuhulog na dapat si Alyssa nang saluhin siya ni James. Pasalamat siya mabait pa din si James sa kanya kahit mataray siya.

"Mag-ingat ka kasi." Titig na titig si Alyssa Kay James habang sinasabi niya yun.

"T-thank you." Utal utal ba sabi ni Aly.

Umubo naman si Ethan kaya napatingin yung dalawa sa amin kaya agad silang nag ayos ng sarili nila at bumaba sila na akala mo eh walang nangyari.

Nag cross arms naman si Alyssa at padabog na umupo. "Ang aga aga pa kasi eh ku-"

Di naman niya natuloy ang sinasabi niya ng batukan siya ni Denise. "Anong ang aga aga?! Alas onse na ng tanghali maaga?" Bulyaw sa kanya ni denise.

"Hoy Denise ikaw kung makabatok ka ha!" Lalong lang tuloy umingay.

"Grabe ka naman Alyssa kung makasigaw sa Denise ko." Sabi ni Mark sabay hila dito papalapit sa kanya at umakbay pa ito. Naks naman. Lakas din. Galing mang hokage.

Hinila naman ni James si alyssa palapit sa kanya at inakbayan pa ito."Grabe ka din naman kay Alyssa k-" biglang lumapad ang mga ngiti sa aming labi dahil sa muntikang sabihin ni James.

Lahat kami ay nagulat sa ginawa ni James. Naks. Tinamaan na ata kay lyssa eh. Tinulak naman bigla ni james si alyssa palayo sa kanya. Kaya napahawak si alyssa sa dibdib ni ethan.

Binatukan naman ni Aly si James . "Hihilain mo ko palapit sayo tapos bigla mo Kong itutulak! Bwisit toh," natawa naman kaming walo sa kanila. Sus. Ayaw pa aminin nman kasi nitong si james eh.

"Ano ba yung sasabihin mo James?" Sabi naman ni Sophia sabay taas baba pa ng kilay.

"Wala. Sabi ko grabe naman kayo kay alyssa kita niyo nang walang kakampi yan eh," sus. Galing din gumawa ng alibi eh.

"Ayaw pa kasi aminin na may gusto kay Alyssa. Ayiie," sabi namin sabay tusok sa tagiliran nilang dalawa.

"Hay naku pag di kayo tumigil tignan niyo ipapa-" hindi na natapos ni Aly yung sasabihin niya nang biglang humarap si james at naglapat ang labi nila. Lahat naman kami nagulat .

"Yah! Walang hiya ka! First kiss ko kinuha mo na! Di na virgin lips ko. Hinayupak ka. Hayop ka! First kiss ko yun. Bwisit ka. " Sabi ni Aly habang hinahampas si james sa dibdib at sa braso.

"Pag di ka tumigil sinasabi ko sayo." Sabi naman ni James tapos hinawakan niya ang dalawang braso ni Aly para di siya hampasin.

"Anong pag di tumigil?! Sino ba namang hindi magwawala kung kinuha nung tao-"

"Ang ingay mo kasi eh." Sabi ni James sabay tayo. Iniwan niya si Alyssa na tulala. Hinalikan ulit kasi siya ni James pero di na aksidente. Kundi sinadya na.

"Wala na ang first kiss ko," matamlay nitong sabi. Tinapik naman ni Elise ang likod ni Aly. Tapos tumayo si Aly na para bang zombie na paulit ulit sinasabi ang,"wala na. Kinuha niya ang first kiss ko."

Tsaka siya umakyat sa kwarto. Kawawang Alyssa. Ayaw pa kasi umamin ni james. Importante pa naman sa kanya Ang first kiss niya. First kiss. Ako kaya? Kailan at sino kaya ang maging first kiss ko?

Brgy. SaksakanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon