KS CHAPTER 7

253K 2.7K 764
                                    

Ella's POV:




Guess what day it is? It's Saturddaaaaaaayyyy!!!! TIME TO MEET MY KISS STEALEEER!!!!! Ano kaya itsura niya? Gwapo kaya? Matangkad? Tangos kaya ilong nun? Ano kaya itsura ng buhok niya? NagGegel ba siya? Bad boy type ba? Or.. Good Boy? Amp! Di ko talaga mahulaan. Pero sabi niya taga GreenVille Prep lang raw siya. Di naman ganon karami kilala ko sa GVP. Argh! Nakakasira ng bait eh! Pero sa ngayon, antayin ko nalang siya.

Gusto niyo ba malaman kung ano nang ibang nangyari dun sa KathNiel Forever Resort Escapade namin? Wag na! Tinatamad akong magkwento! Tsaka makikipag-Eyeball pa ko noh! It takes time to prepare! Pero I have to be honest. Parang di ko lang ata crush si P-Patrick? EWAN! >.<

Kinuha ko na sa Closet ko yung Shirt na binigay niya. Color white siya. Tapos yung sulat nasa down left. Pero halata masyado yung naka sulat. Tapos yung Color nung sulat eh color black. Alam kung ano nakasulat? Eto na nga! Sasabihin na. " I'm Hard To Get". So? Tapos sa likod niya may Batman Logo.

Nag-ayos ayos na ako ng sarili ko kasi wala naman siyang nabanggit kung anong oras kaya the sooner the better :) Inayos ko buhok ko, naka Pony-Tail siya ngayon. Naglagay ako ng onting Lip Gloss lang naman. Tapos naka Skinny Jeans akong black at nakaConverse na black lang. Yun lang. Ayoko kasi masyadong nang kung ano-anong nilalagay sa katawan ko. Nagsuot na rin ako ng Vintage Necklace. Kasi nga, V-Neck to diba? kaya di bagay naman kung walang accessory. 

Gusto ko sanang magpasama sa ibang girls eh kaso mukhang may ibang plans. Tinanong ko si Tammy Sabi niya " May date kami ni Jason eh" Tapos kay Cassie naman "Ha? May lakad kami ni Ticoy. Sorry." Tapos kay Bea naman "Ah-eh, birthday kasi ngayon ng pusa namin." Kay Joyce naman " Nako! Sorry Bebe! May-may LBM si Kris eh! Kelangan kong alagaan" Kay Sue naman " Ano! Ha?! Eh.. May lagnat kasi si Paul!" Pero katapos nun nakita ko naman si Paul na naglalaro ng Basketball =___= Tapos kay Britney naman "Magtotoothbrush kasi kami ni Winston eh! Kbye!".




Di nalang kasi sabihing ayaw akong kasama. Dami pang palusot! Pati pusa sinali pa. Eh alam ko namang allergic si Bea sa Pusa. Lord, ano ba tong mga kaibigan ko. Ba't ang weweirdo.

Medyo mainit sa labas kaya nagsuot na ko ng Ray Ban shades at kinuha ko na rin wristwatch, phone at wallet ko. Di nako nagdala ng bag kasi mabigat yan sa katawan. 

Dumiretso nako sa may elevator at naghintay na makarating ako sa Lobby. Nag-stop yung elevator sa bandang 3rd floor. May pumasok na lalakeng nakaSling Bag parang familiar to ah. May dala siyang single yellow rose. Wow. Ang ganda naman. Favorite color ko pa. Dumiretso ako ng tingin at naghintay na makarating sa Ground Floor.

"Ahh, Miss?" Lalake.

"Yes?" Ako.

Kiss StealerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon