Ella's POV:
"So let me get this straight.. this Erika that you know but we never met 'yet' is the first fallen winx?" Ticoy.
"Anong winx pinagsasasabi mo diyan?! I said 'FALLEN ANGEEEELS!'" Ako.
"Gaguhan ba trip mo ngayon Ella?" Katsumi.
"Wag mo ngang tinatawag na Gago ang asawa ko. Upakan kita diyan e." Patrick.
Nasa Garcia Sports Club kasi kami ngayon. Napagdesisyunan ko na kasing sabihin sa kanila yung tungkol sa mga Fallen Angels. At eto.. walang naniniwala. Pinagmumukha pa akong tanga. Peste.
"Ellabebs. Baka gutom lang yan." Bea.
"Baka nakabukas na ang third-eye mo.. kaya ano-ano nalang nakikita mo." Joyce.
"Or baka gutom lang." Bea.
"Baka masakit lang ulo mo nun." Tammy.
"Ooohh Baka gutom lang." Bea.
"Teka.. baka meron ka.. kaya nakakakita ka ng kung ano-ano.." Cassie.
"Oh di kaya gutom lang." Bea.
"Baka .. buntis ka?" Britney.
"Or baka gut- Hoy Britney! Ibang usapan na yan!" Bea.
"I'm just stating what's possible! Ikaw nga diyan puro gutom sinu-suggest mo e!" Britney.
"Pero t-teka.. di kaya..b-buntis ka talaga?" Kris.
Napatingin silang lahat sa tiyan ko.. pati si Patrick.. Tangina -.-"
"Ano ba?! HINDI ako buntis! Nyeta! Seryosohin niyo naman ako oh! Wag kayong ano!" Ako.
"Ella, we are taking this seriously. Problema nga lang.. parang di naman makatotohanan yang pinagkwekwento mo samin." Winston.
"Tsaka kung may fallen angel man dito. Si Tammy babes ko yun." Jason.
BINABASA MO ANG
Kiss Stealer
Teen Fiction"Ang normal na tao.. ninanakawan ng pera, cellphone, wallet, ipods, laptops, pagkain, inumin at iba pa. I guess I'm not normal kasi ang ninanakaw sakin... sulyap, attention at mga halik." -Ella Chandria Dimalanta