Ella's POV:
Tuesday. Day 2 of GVP's Foundation Week.
This is it. Ngayon na talaga ang Results para sa Open House. Ngayon na maglilibot ang mga judges sa iba't ibang room. Nakaka-kaba kasi matindi talaga kompetisyon sa school na toh. Nakita namin yung mga ibang rooms, halatang pinag-gastusan talaga. Pero okay na yan! Maganda rin naman yung gawa namin eh. We need to stay positive.
Nasa may Rooftop kami ngbarkada ngayon. Mayamaya pa naman raw yung pagjudge sa room namin. Kaya dito lang muna kami tumambay. Nag-uusap usap lang. May kwento ako..
*Flashback
Nasa school na ako ngayon kasi sabi ng Dean na kelangang early raw kaming students dito. Pagka-park ko.. nakita ko agad si Patrick. Nakatayo sa tapat ng Parking Space ko. Nang makita niya yung kotse ko bigla namang napangiti ang gago.
Pagkababa ko, napansin kong umiba yung expression sa mukha niya. Parang.. galit? Ewan. Lalapit na sana ako ng..
"Uwi na tayo." Patrick. Huh? O___o
"Uuwi? Bakit? Tapos na ba yung Results? Sino nanalo?" Ako. Ang aga naman ata ng Results. Ang bilis nilang magdelibirate ah.
"Hindi pa. Uuwi tayo para makapagpalit ka ng damit." Patrick. Tapos palapit na siya sa Driver's seat ng kotse ko.
"Ha? Bakit ako magpapalit? Pangit ba? Teka.. may tagos ba ako?" Ako. At sabay tingin sa likod ko kung may tagos.. pero wala naman. Pangit ba talaga suot ko? Naka black shorts ako tapos nakayellow v-neck shirt with matching Varsity Jacket pa. Tapos nakaBlack converse lang ako. Pangit ba?
"Wala naman akong tagos eh. Ano ba problema sa suot ko?" Ako.
"Masyadong maikli yang shorts mo. Tsaka bakit di ka nalang kasi nagpants? Alam mo nang maraming mukhang rapist dito eh! Baka mamaya pagnasaan ka ng mga lalake diyan." Patrick.
"Maikli? Diyos ko! Patrick, may ibang babae pa ngang may MAS maikli ang shorts kesa sakin eh. Tsaka kung makapagsalita ka diyan kala mo kung sinong gwapo!" Ako. Pero ofcourse, joke lang yun. Gwapo talaga siya. Siya lang. XD Pasensya. Masyado bang Corny? Lels.
"Hoy! Excuse me ah! Matagal na po akong gwapo! Tsaka hindi ka katulad ng ibang babae diyan. Kasi mas maganda ka sakanila! Pero ang sa akin lang naman eh ayokong may ibang lalakeng tititigan yang mga legs mo na dapat ako lang ang makakatitig." Patrick.
BINABASA MO ANG
Kiss Stealer
Novela Juvenil"Ang normal na tao.. ninanakawan ng pera, cellphone, wallet, ipods, laptops, pagkain, inumin at iba pa. I guess I'm not normal kasi ang ninanakaw sakin... sulyap, attention at mga halik." -Ella Chandria Dimalanta
