Ella's Pov:
This is it.
New school, new me. Ay? Uso pa ba yun?
Kasalukuyan akong nasa tapat ng bago kung eskwelahan. Nagpaparty. Dejokelang. Nakatanga lang sa harap. Hinihintay ko kasing buksan ng Guard yung Gate para mapasok ko tong kotse ko.
BEEP BEEP (Yes naman, mayaman tayo sa sound effects!)
Kanina pa ako nag-aantay dito sa labas ah. Sarado ba sila? Baka naman maling address tong binigay ni Daddy. Tanda na talaga nun. Haist.
"Sorry po Ma'am. Sorry talaga." Tumatakbong sabi nung guard habang binubuksan yung gate. Takot atang masisante. Kawawa naman.
"Ay nako, okay lang po yun. Ano pong pangalan niyo?" Ako.
"Roger. Manong Roger po." Sagot naman ni manong guard.
"Sige Manong, ingat kayo dito ha? Baka ma-stroke kayo niyan dito, ma-init pa naman ang panahon. Pasok na ho ako." Sabi ko sabay ngiti sa kanya at nagdrive na sa loob ng school. Dahan dahan kong pinark ang Baby BMW 7 ko sa designated parking space ko. Yes, May sarili akong parking space kasi sinabi ko kina Dad na reserve-an na ako para di ako magmukhang tanga hanap ng hanap ng parking space. Pagkapark ko, alam na alam kong... all eyes are on me. Bakit? Eh malamang kasi maganda ako. Ba't ba.
Lumabas na ako ng kotse ko at sinuot ang shades ko. Salamat nalang at walang uniform policy dito kundi baka na-sita na ako ng mga rech keds dito.
Naglalakad na ako patungong main office ng marinig ko yung mga bulong-bulongan ng mga tao. Amp, bulong pa more, rinig na rinig ko naman.
"Paksyet. She looks so hot."
"A 19 year old hottie. witweew"
"We should toooootally be friends with her. She is like soooooo coool"
"Omg! Ikr? She's like the hottest news on the block!"
Hala! Mga hipon na toh. Umagang umaga kung ano-ano pinagchichismisan. Hmp. Hayaan na, maganda naman ako. Wahahaha!
Papunta na akong Main Office nang may nakabangga ako. Babae, mestisa, maputi, straight ang buhok, at gorgeous pa. Puta, natomboy ata ako bigla.
"Oh shit. Hey! I'm really sorry." Sabi ni puti.
"Naah. It's okay. No harm done." Sabi ko sabay ngiti.
"Haha! Your cool. I'm Tammy. Tammy Magtoto." Oh, kitams! Ultimo pangalan, ang gorgeous rin. Pinagpala talaga siya ng Diyos.
"I'm Ella. Ella Dimalanta." Sagot ko naman.
"Wow! Who knew na makakabangga ko ang famous Dimalanta Princess!" Tammy chuckled, natawa nalang rin ako.
"Princess? Haha! I don't think so." Ako.
"Anyways, where are you headed to?" Tammy.
"Oh, I was just heading to the Main Office to get my locker key, schedule and other infos." Ako. Ba't ba ako ingles ng ingles? Langya tong puting toh, nahahawa ako e.
"Oh really? Lika na, samahan na kita. And pakilala na rin kita sa Barkada ko." Tammy.
"Seryoso? Baka na-aabala kita?" Ako.
"Hindi noh. C'mon! Pambawi ko nalang." Tammy.
"Okay, sure." Ako. At naglakad na kami papuntang main office. On the way there, ang raming nag-greet kay Tammy and Tammy just smiled and looked away.
BINABASA MO ANG
Kiss Stealer
Roman pour Adolescents"Ang normal na tao.. ninanakawan ng pera, cellphone, wallet, ipods, laptops, pagkain, inumin at iba pa. I guess I'm not normal kasi ang ninanakaw sakin... sulyap, attention at mga halik." -Ella Chandria Dimalanta
