Eto na :') Last chapter na Guys. Salamat a! =) Napakasupportive niyo sa story na ito =) Maraming maraming salamat ho :) Sa mga nagpapadedicate.. pasensya na ho kayo.. di talaga ako mahilig dun e. Pasensya na talaga.. Pero itong LAST chapter.. Idededicate ko toh sa LAHAAAT LAHAAAT na KN FANS =) Lalong lalo na yung mga andun sa Group na We <3 KathNiel =) Thank You po! Thank you ng maraaaaaaami :') Enjoy the last moments.. of our One and Only.. Kiss Stealer :')
Patrick's POV:
Wala na. Linibing na sa ilalim ng lupa ang buhay ko. Linibing siyang natutulog. Ayaw nilang maniwala saking natutulog lang si Ella e.Sige na.
Ako na.
Ako na ang dakilang nagmamahal. Sinasabi ko lang naman yun kasi gusto ko ng positive thoughts. Umaasa parin akong nagkamali si Doc. Sana mali yung inoperahan nilang Ella. Sana ang Ella ko.. buhay pa. Maha ako nun e. Di ako iiwan nun. Kasi sabi niya.. walang iwanan. Marunong tumupad si Ella sa usapan. Kaya, di yan! Buhay pa yun! Mahal ako nun e. Di ako matitiis nun e.
"Anak. Sigurado ka bang ayaw mong sumunod?" Mommy Karla.
"Ayoko pong ihatid si Ella kung saan di ko na siya makikita habang buhay. Kung ihahatid ko man siya.. dun po sa lugar na pinagtratrabahuan niya. Ihahatid ko po siya katapos ng mga anak namin. Gusto ko po siyang ihatid na buhay at masaya." Ako.
"Anak.. naiintidihan ko naman e. Pero sa tingin mo.. sasaya ba si Ella pagnakita ka niyang ganyan?" Mommy Karla.
"Kung ito lang ang paraan para bumalik siya at pagalitan ako.. gagawin ko. Lahat ng paraan susubukan ko Ma." Ako.
"Anak.. Lika nga dito." Mommy Karla.
Yinakap ako ni Mommy Karla ng umiiyak. Iyak nalang kami ng iyak dito. Sobrang namumugto na nga ang mga mata ko. Pumayat na nga ako e. Laki na rin ng eyebags ko. Maputla na ako. Official na nga e. Nabawasan na ng gwapo ang mundong toh.
" *sniff* basta anak.. kung magbago ang isip mo.. sunod ka nalang ah? *sniff*" Mommy Karla.
"opo Ma." Ako.
Tumayo na si Mommy pero pinigilan ko siya.
"Ma. Isa nalang pls?" Ako.
Yinakap uli ako ni Mama at iyak kami ng iyak.
![](https://img.wattpad.com/cover/1170006-288-k523176.jpg)
BINABASA MO ANG
Kiss Stealer
Teen Fiction"Ang normal na tao.. ninanakawan ng pera, cellphone, wallet, ipods, laptops, pagkain, inumin at iba pa. I guess I'm not normal kasi ang ninanakaw sakin... sulyap, attention at mga halik." -Ella Chandria Dimalanta