Hindi Nya Ko Deserve

1.3K 10 2
                                    

Sittylove30

This is an open letter to my ex girlfriend.
-Dominic

(AN: MEJO MAHABA TO SO BEAR WITH IT AND WORTH IT TONG BASAHIN. SPG ALERT!!)

Hi Mirabelle alam kong mahilig kang magbasa ng wattpad at kung
ano anong secret files. Sana mabasa mo tong sulat ko. Actually si Ms. Kharrian ang nagsulat nito habang nagkukwento ako sa kanya. Salamat sa pag intindi mo sa akin habang sinusulat mo to.

Uumpisahan ko ang kwento nung tayo pa. Alam kong sa sarili mo na hindi kita gusto, pero ipinilit mo pa din dahil sa mahal mo ko. Kahit na alam mong hindi lang ikaw ang naging karelasyon ko simula ng naging tayo.

Classmate kita mula highschool 2007 ng grumaduate tayo pero hindi ka nakapag patuloy sa college dahil sabi mo hindi kaya ng magulang mong pag aralin ka kaya ang sumunod mong kapatid muna ang nagpatuloy sa pagtungtong sa kolehiyo kaya kung ano anong negosyo ang pinasok mo para lang makatulong sa pamilya mo. Fishball, kikiam ihaw ihaw at kung ano ano pang sideline ang ginawa mo para lang kumita ng pera. Minsan nahihiya ako na alam nilang girlfriend kita isang ka lang tindera ng kung ano anong pagkain sa kalsada. Nadadala ako sa mga panunukso ng mga kaibigan ko na low class ang girlfriend ko. Ineencourage kita na humanap ng trabaho pero nakikita ko ang frustration sa mukha mo sa tuwing hindi ka natatanggap sa trabahong pinag aapplayan mo dahil kesyo di ka pleasing personality at kung ano ano pa.

Naging tayo ng gabing nagkaroon ang buong section ng celebration dahil nakgraduate tayo ng highschool. Nalasing ako nung at hinalikan kita kahit hindi ko alam kung bakit, hindi ka naman maganda at ganun ka attractive. Kung baga hipon sabi ng mga katropa ko. Nakabingwit daw ako ng hipon nakitawa din ako sa mga pang aasar nila sayo kahit parang deadma lang sayo. But deep inside mas triple ang sakit kapag ako pa mismo na boyfriend mo ang nakikitawa sa mga kapintasan mo.

AMINADO AKONG NEVER AKONG NAGING SWEET SAYO. Never mo narinig sa akin ang salotang i love you. Never akong nagpakita ng pagkagentle men sayo. Hindi kita trinato na tamang girlfriend. Iba ang naging trato ko sayo sa mga nagdaang girlfriend ko tanging sayo lang.

Hindi ka maporma at palaayos na babae simple lang ang pananamit mo ni hindi ka nga sumunod sa uso kahit may pera ka naman. Hindi man ikaw ang pinaka magandang girlfiend sa lahat ng nakarelasyon ko pero ikaw ang pinaka may malaking puso sobrang down to earth mo kahit na natatapakan ka na ng iba. Pinagsasawalang bahala mo lang.

Kinausap mo ko dahil ninakaw ko ang unang halik mo, malakas na sampal ang natamo ko at sinabi mong..

"Ligawan mo ko.. ninakaw mo ang unang halik ko." Umiyak ka pa sa harap ko. Kaya nasabi ko girlfriend na kita para tumahan ka lang. Alam kong matagal ka ng may gusto sa akin simula pa lang nung First year high school tayo, nasa utak ko ng mga panahon na yon na.. Ano kayang pakiramdam kung gawing kong girlfriend ang babaeng may gusto sa akin? Parang na challenge lang ako na gawin kitang gf.

Nung mga unang anim na buwan mukhang masaya ka naman kahit wala naman akong effort na ginagawa para sayo. Sa loob ng tatlong taon na naging karelasyon kita never akong nagregalo sayo kahit na monthsarry o aniversarry birthday pasko di ko pinag eeffortan na icelebrate natin. Kaya alam kong di mo ko deserve.

Kahit mga magulang at kapatid ko sa tuwing may okasyon laging may regalo kang dala. Si Lola ko ang tanging natutuwa sayo.
Naalala ko pa nga noong ikasal ang ate ko ikaw ang pinagligpit ni mama ng mga naglalakihang kaldero at kasangkapang ginamit nila ate. Sabi mo ok lang sayo, lumabas ako para sumama makipag inuman sa mga pinsan ko ng biglang dumating si Ynah yung classmate natin na ex girlfriend ko na pinaka sineryoso ko sa lahat ng girlfriend ko.

Nakalimutan kita nang gabing yon lasing ako at inaya nya ko sa kwarto ko at may nangyare sa amin. Di ko na alam kung paano mo natapos ligpitan ang mga kaldero at kung paano ka nakauwi sa inyo. Masyado akong nagpakasaya sa isang gabi kasama ang ex gf ko at alam kong alam mo ang nangyare sa amin ni Ynah pero hindinka nag open up na ungkatin kahit may karapatan ka.

Moments On Wattpad (Compilation Of A True Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon