Second Part!
Madami akong ibinilin sayo.
Unang una ayokong ipaalam sa atin na manliligaw ka sa akin dahil sa agwat ng edad natin parang nakakahiya sa part mo dahil matanda na ako sayo.Pangalawa gusto ko katulad pa din ang trato natin sa isat isa.
Pangatlo pagbibigyan lang kita at baka sakaling mabawasan yung pagtingin mo sa akin kapag napalapit ka at nalaman mo ang totoong ako.Sa school sa library tayo tumatambay para lang magkasama mo ko kahit buryong buryo ako sa paggiging clingy mo sa akin. Palagi kang nakahawak sa kamay ko, nakaakbay porque mas malaking tao ka sa akin. Nakasubsob ka palagi sa balikat ko which is not usual for men's like you. Your still totoy inside. Kahit mukhang matangkad na halimaw sa panglabas. At lintek kahit nasa loob tayo ng tahian nyo nakasandal ang likod mo sa likod ko, kahit na magkanda kuba ako sa pananahi, aalis ka lang kapag papasok ang mama ko at papa mo o di kaya yung step mom mo na kinaiinisan mo kahit maayos naman ang pakikitungo nya sa amin.
I already told you na nakatatlo akong bf and i lost my virgnity nung 18 ako sa second bf ko. I only did it once pero never ko nang inulit dahil sa takot.
But you say its alright for you at tanggap mo kung sino ako. Ayokong ilihim sayo dahil ayokong maging pavirgin effect.December na patuloy ka pa din sa patagong pangliligaw mo sa akin. At sa tuwing nasa loob ako ng tahian nyo halos nakadikit ka na sa akin pero hindi nila napapansin dahil sabi mo bestfriend mo ko at bestfriend kita. Ang galing mo talaga. December 14 ang birthday mo at gusto mo magdate tayo kaya kapag may vacant time ka nanahi ka din katulad ko.
December 14 nagpaalam ka sa amin at sa inyo na magcecelebrate tayo ng birthday mo sa Los Baños sabi mo gusto mong mag overnight tayo sa iaang hot spring resort na palagi kong kinukwento ko sayo. Pumayag naman sila at binigyan ka ng tatay mo ng pera. 3K ang gara talaga ng pamilya mo.
Commute tayo papuntang Los Baños tuwang tuwa ka sa mga kwento ko sayo about sa kwento ni Mt. Makiling at sayo yung horror story mo about the lost city of Biringan. Natatandaan ko pa sobrang saya mo noon araw na iyon. Akala mo hindi ko iningatan ang alaala mo sa akin? But thats not true! Every single detail with you still on my mind.
Nung una hindi talaga ehh walang spark! Yung tipong nagpapatigil talaga sa paghinga ko palagi ko kasing naiisip na. Sobrang bata mo pa. Alangan tayong dalawa.
Your so sweet creep nerd. Palagi kang may binibigay sa akin chocolates So clingy! At seloso ka kahit wala naman akong ginagawang masama lalo na kapag kausap ko yung crush ko si Cedric. Alam ko lang kung hanggang saan lang ang pasensya mabilis kang magalit pero sa tingin ko mas matured ka kumpara sa akin.
Nang makarating tayo sa hotspring resort excited kang maligo tayo. Pero nagugutom na ko kaya kumain muna tayo.
Nakakarelax at nakaka enjoy nawala ang stress ko sa katawan.Madaling araw na nakababad pa din tayo sa hotspring. Naiinis ako sayo kasi palagi kang nakatitig baka minamanyak mo kong halimaw ka. Nakayakap ka kasi mula sa likuran ko hindi ka nagsasalita kahit panay ang daldal ko kay Dao Min Zi.
Habang tumatagal mas nagkakaroon ka ng itsura nag iimprove ka infairness! Pinapahaba mo na naman yung bangs mo sa unahan nag eemo ka na naman. Siguro baka dahil palagi tayong magkasama kaya gumagwapo ka sa paningin ko. Di ba ganun naman talaga yon? Mas bagay sayo yung may suot kang salamin dahil di napapansin ng ibang babae kung ano ang nakikita ko sayo.
Lumipat ako ng pwesto pinausod kita at ako yung nasa likod ikaw naman ang nasa harap ko. Gusto ko kasing haplusin ang mga buhok mo straight kasi.
"Happy Birthday G!" Sabi ko habang tinitirintas kabayo ko yung bangs mo.
"Thank you Clarisse sobrang pinasaya mo ko." Inaamin ko naman na iba yung pitik mo sa puso ko yung tipong special ka na sa akin kaso nag aalangan ako dahil sa edad na meron tayo ano na lang ang sasabihin ng iba? Ako yung matanda pero hindi kita ginabayan ng tama.
BINABASA MO ANG
Moments On Wattpad (Compilation Of A True Story)
RandomLove or Lust? Compilation ito ng wasak at makamundong storya na binahagi ng mga nag private message sa akin. Hango ito sa mga totoong kwento ng mga taong hindi kayang ishare sa ibang tao ang mga naranasan nila sa pag ibig. Kung May Dear MOR sa radyo...