July 16 2017 1;59am
(Dedicated to ShineText salamat. Babe!)
Mirabelle alam kong isa ka sa readers ng Ms. Kharrian at solid fan ka ni Jonaxx, RCM at CClib.
Pero sya lang ang way ko para makahingi sayo nga tawad. Patawarin mo ko sa lahat ng naggawa ko sayo.
Sa mga pananakit ko emotionally at physically.
Hindi ko na kayang ibalik ang dati, halos gabi gabi kinakain ako ng konsensya ko naisip ko kung tinulungan ko kayo ng anak ko hindi tayo magkakaganito. Lalo akong tinamaan ng sinabi mo sa akin na proud ba ako sa buhay ko lalo na at nakasakit ako ng babae, isang tao na naging totoo, minahal at pinaghalagahan ako ng sobra.
Hindi ko naipakita na mahal kita, ni hindi ko nga naiparamdam na special ka sa akin at girlfriend kita sobrang sakit nang naggawa ko sayo. At hinding hindi ako mag sasawang humingi ng kapatawaran.
Sa Lola ko na isa sa tumulong sayo. Lola alam kong nasa langit ka na patawarin mo ako dahil hindi ako naging mabuting apo at naging mabuting lalaki. Salamat sa tulong mo para sa anak ko.
Sa anak ko alam kong magkikita tayo. Makikilala kita pero hindi pa ngayon ang panahon kapag nagkataon hinding hindi ko sasayangin ang oras na iyon.
Sa totoo lang kinakain na ako ng konsensya ko pero alam kong wala kang kasalanan.
Ako at tanging ako.
Sorry Mirabelle. Sorry..
Engr. MADHP YEAR 1990
Im Francesca,
Mirabelle gusto ko din humingi ng tawad para kay Dominic. Naisip ko kung hindi ba ako pumasok sa sitwasyon baka hindi kami ang nagkatuluyan.
Alam ko na dati bago kami naging magkasintahan ni Dominic alam kong may relasyon kayo pero hindi ko alam na ganito pala ang pinagdaanan mo.Ako na maluwag na tinanggap ng pamilya nya at ikaw na nagdusa at hindi pa din kinilala kahit hindi na bilang girlfrisnd kung hindi bilang babae at tao.
Nasaktan ka at nasasaktan ako sayo. Humanga ako sa katapangan mo lalo na sa paggiging Independent mo.
Nasasaktan ako sa tuwing na aalala ko kung paano ka itrato ng pamilya mo, ni Dominic at ng pamilya nya. Gusto kitang tulungan sa mga nangmaliit sayo.
Gusto kitang alalayan at muling tumayo.
Naiiyak ako na ako ang dahilan sa paggiging miserable mo pero open ako para tulungan ka.
Patawarin mo din ako Mirabelle.FHGP Nursing year 1992
(An: wait hihinga muna ko! Habang sinusulat ko to hindi ko maiwasan hindi mapaiyak. Lalo na sa part na hindi trinato ni Dominic si Mirabelle lalo na sa part na nag buntis sya at naging single mom sa edad na nineteen putcha!! Mejo nakarelate ako don!! Halos pitong oras ko tong sinulat ng diretso para hindi maputol ang feelings ko habang nagsusulat. Parang pinipiraso ang puso ko.
Heres the reason behind this story.
Kakilala ko ang pinsan ni Mirabelle nang minsan tumira ako sa pampanga. Pero never ko pang nameet si Mirabelle. Yung pinsan nya lang. At sa desperation ni Pinsan nag message sya sa akin sa fb ko at pinakausap sa akin si Engineer MADHP.
Talagang masinsinan ko syang kinausap mejo nakakaintimidate dahil talagang may itsura si Engineer sa edad na 28 kasama ang soon to be wife nyang si Francesca. Hindi ko na irereveal ang mga katauham nila for theyre own good.
Isang lumang notebook at humiram pa ako ng ballpen kay Engr. Dahil wala akong dala. First time may makausap na masinsinan ng ganitong tao. At hindi din naman ako palausap kay mejo struggle talaga para sa akin. Nangliit din ako sa pag iitsura ko ng makita ko sina Engr.
Puro gusto ko din talagang suntukin si Engr. Talagang konti na lang!! Nagalit din ako pero nakita ko sa mga mata ng mag kasintahan ang paghingi nila ng tawad kay Mirabelle.
Btw..
Hi Mirabelle salamat at in-unfollow mo ko!! Nagbigay na ako sayo ng message pero may message ulit ako sayo.
Alam kong mahirap at masakit ang pinagdaanan mo.
Masakit sa paraang hindi ka itrinato ng tama.
Mahirap magpalaki ng anak na mag isa kaya saludo ako sayo. Sa katulad kong single mom kung pwede lang luhuran kita luluhudan kita. Gusto kitang yakapin.Hindi ko man mabago ang isip mo pero sana lumuwag na ang pag hinga mo at mabawasan ang mga iniisip mo.
Mag ingat ka para sa sarili mo at sa anak mo.
Huwag mong hilingin sa anak mo ang yumaman. Hilingin mo na maging masaya ang sya. At dyan mo malalaman na naging mabuti kang ina.
As a single mother i always told to my daughter na hindi mo kaylangan magpakayaman hilingin mo na maging masaya ka palagi.
Ang bagay mabilis na nawawala pero ang masasayang bagay tumatatak at naiiwan sa puso at isip natin.
For you Mirabelle find your happiness. Find your own destiny.
May mga punto talaga sa buhay na magpapakatanga ka sa isang tao. Yung tipong kahit sarili mo hindi mo na namamalayan na sobra na at hindi na tama ang nagagawa mo. Aminado ako isa din ako sa mga nagpakatanga sa isang tao. Hindi nga lang isang beses.
Kaya Mirabelle huwag kang matatakot mag mahal. You deserve it. You deserve to be happy. Always smile Mira.
By:
Im All Yours KharrianSalamat sa patuloy na bumabasa at nagfofollow sa akin kahit sobrang tagal ko mag update. Thank you sa 5K followers! Thank you..
BINABASA MO ANG
Moments On Wattpad (Compilation Of A True Story)
RandomLove or Lust? Compilation ito ng wasak at makamundong storya na binahagi ng mga nag private message sa akin. Hango ito sa mga totoong kwento ng mga taong hindi kayang ishare sa ibang tao ang mga naranasan nila sa pag ibig. Kung May Dear MOR sa radyo...