Mr. Genesis Ideo Opsima

499 5 0
                                    

Hi G 1983!

(DEDICATED TO ShineText thank you for appreciation.)

Matagal ko ng sinulat to pero sana mabasa mo..
Una sa lahat sobrang mahal na mahal kita but unfortunately wala ka na. Wala na din ako sa piling natin isat isa.

I remember the first time i saw you summer non month of March. Kapit bahay ko ang stepmom mo at ang Daddy mo. May ari sila ng tahian at doon nagtatrabaho ang mama ko. Galing kang Samar at dito ka mag aaral sa Cavite ng college. At first natatakot akong lumapit sayo mukha ka kasing ulikba sobrang haba ng buhok mo ang itim mo pa may suot kang may mataas na kalibreng salamin yung tipong kasing kapal na ng jelousy ng bintana namin.

Sixteen ka lang pero iginigiit mo magseseventeen ka na while im 22. Same college tayo ng papasukan. Nagkasabay tayo sa tricycle pero hindi na sa jeep dahil ayokong kasabay kita sa pagpuntang school para magpa enroll. 3rd year college na ako at ikaw freshmen pa lang.

Ilag ang mga tao sayo dahil malaking tao ka na may mahabang buhok na abot sa balikat tapos kulay kapeng puro ka pa kahit ako takot lumapit sayo iba ka kasing tumingin parang naninindak palagi. Sya yung description nang Nerd na Maton.

Ilang buwan na ang nakalipas hindi pa din tayo nagpapansinan kahit sumaside line ako sa pananahi para may pera akong pang dagdag sa baon at syempre pang gimik namin magbabarkada. Palagi ka din nandoon dahil mananahi ang ate at kuya mo puro magkakamag anak kayong nagtatahi.

Hapon ang pasok ko at gabi na halos kapag nakakauwi ako. Hindi naman ako ilag sa atin dahil tropa ko ang mga batak boys at mga pedicab driver sa barangay natin. Pero ikaw sa tuwing uuwi ako nandoon ka hindi ko alam kung nagbabatak ka din ba sa mga pedicab dahil alam kong mga runner ang ilan doon.

Hanggang sa mag November na. Maaga ang pasok sa isa kong major subject walang humpay din ang ulan. Nagkasabay tayo sa tricycle parehas tayong nasa loob.

Nag HI ako sayo pero deadma mo lang ako choosy ka pang negro ka. Pero in all fairness pumupusyaw na ang kulay mo at yung mahaba mong buhok pinagupitan mo sa kuya ko kaya hindi ka na mukhang sangganong nerd.

Mahaba ang byahe papuntang school, noon ko lang napagtantong matangos ang ilong mo at makinis ang balat mo.

Di katulad sa akin na tinakpan ko lang ang mga taghiyawat ko sa pamamagitan ng sideway bangs. Sumandal ako sa sandalan dahil inaantok pa ako. Ayoko naman titigan ka buong byahe. Kinuha ko ang Walkman ko at sinalpakan ko ng cassette tape. It was my favorite song Creep. Damang dama ko ang tugtog habang nasa tenga ko ang earphone ko.

Sobrang lakas ng hangin kasabay pa ng pag ampyas ng tarapal ng tricycle. Maiksing pencil cut na abot sa ibabaw ng tuhod ko ang suot kong palda kaya mega ayos din ako sa suot ko dahil nililipad ng walang humpay na hangin. Gandang ganda ako sa sarili ko sa tuwing nakauniform ako dahil pakiramdam ko para kong si Miyaka ng Fushigi Yugii parehas ng kulay ng palda nag kaiba lang ng polo dahil white long sleeve ang polo ko kaya kaylangan ko pang tupiin para hindi mabasa. Salamat sa three inch kong takong at hindi nabasa ng ulan ang paa ko.

"Tang inang ulan yan!" Bisaya yung pagkakasabi mo kaya wala akong naintindihan. Bigla mong binuksan yung payong sa harap natin at tinaklob mo sa ating dalawa. Hindi ko alam kung assuming ba ako na tinatakpan mo ako para hindi mabasa pero mas lamang kasi yung pagtaklob mo ng payong sa akin kahit ikaw naman yung nasa bungad ng tricycle.

Pagbaba ng tricycle inunahan mo pa akong magbayad.
Tuwang tuwa ako kasi libre. Sobrang lakas ng hangin noong mga araw na iyon at bumaliktad ang payong na dala ko. Sobrang inis ko sa ulan at mukhang mababasa pa ako. Pero hindi..

Sinukob mo ako sa payong mo hindi kalakihan pero kasya tayong dalawa.

"Ilagay mo sa unahan ang bag mo hawakan mo ang palda mo baka liparin ng hangin." Bisaya ulit kaya hindi ko nainitindihan
"Ano?" Tanong ko sayo. Tinranslate mo naman sa tagalog. Ginawa ko naman ang sinabi mo.

Moments On Wattpad (Compilation Of A True Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon