"Nandito na po ako nay,tay."Pumasok si Reign sa bahay nila at nadatnan ang nanay at tatay nyang nag iinuman.
"Oh, andito ka na *hik* pala. Dito*hik* upo ka *hik*"
putol-putol na saad ng nanay nya dahil sa kalasingan."B-bakit po?"
Umupo si Reign kahit di kaya ng ilong nya ang amoy ng alak."B-bakit may n-naghahanap *hik* sayo dito kanina? Nag-nag *hik* nagsumbong ka sa kanila no?" tanong ng tatay nya.
"H-hindi naman po.D-di ko nga sila kilala eh.Sige po, alis na ko, may gagawin pa po ako eh."
Patuloy lang sa paglalasing ang mga magulang ni Reign habang sya naman ay pumuntang kusina at tiningnan kung may pagkain.
Binuksan nya ang mga kaldero, pero walang laman kahit isang butil ng kanin, at wala ring ulam kahit tuyo man lang.
Nanlumo sya at pumunta na lamang sa pinakasulok ng bahay nila.
"Wala ng pagkain dyan *hik* binili namin ng alak oh. Kung gusto mong *hik* kumain, bumili ka dun." saad ng nanay nya sabay lagok ng isang baso ng beer.
Gusto mang bumili ni Reign,ay wala rin dahil ni piso ay wala syang pera.
Nakakatuwang pamumuhay 'to. Wala na ngang makain nakuha pang bumili ng alak.
Kinuha na nya ang notebook nya para sagutan ang mga assignments.
Nakakatulong talaga yung scholarship kahit papano.Nakakapag aral at nakakakain ako ng libre sa school.
Matiyagang sinasagutan ni Reign ang mga assignments nya ng biglang sumakit ang ulo nya dahil sa gutom.
REIGN'S POV
Arayyy!! ang sakit ng ulo ko!
Di pa kasi ako kumakain.Hays!
Anong oras na ba?Niligpit ko muna ang mga gamit ko at tumayo na para lumabas.
"Nay, alis muna ako."
Di sila sumagot kaya lumabas na ako at naglakad- lakad sa labas.
Ang gaganda ng bahay.Ang tataas.
Samantalang, ang bahay namin. Hayst.Umupo nalang ako sa tapat ng malaking bahay na puti ang pinta ng gate.
*Growwwlll*
Ang tyan ko.
"Oh!"
Biglang may sumulpot na anino sa unahan ko.Nilingon ko ito.
"D-di na.Umupo lang ako dito kasi---"
"Kasi gutom ka.Kunin mo na 'to.Mahimatay ka pa sa tapat ng bahay ko, kasalanan ko pa.Tsk."
Nilagay nya sa tapat ko ang pagkain saka sya pumasok sa loob.
Dito pala bahay ni crush?
Tiningnan ko ang binigay nyang pagkain at napangiti ako.
Kinain ko ng dahan-dahan ang mga pagkain.Simpleng kanin lang,fried chicken at isang butter scotch ang laman ng tupperware.
"Ang sarap naman." saad ko sa sarili ko.
"Sinasadya mo talagang dito sa bahay ko no? Bakit ba palagi nalang kitang nakikita ha?"
"H-ha? ah.eh.. di ko naman alam na bahay mo pala 'to. Sige, uwi na ko---"
"Tubig."
Binigay nya sakin ang isang bottle. "Kunin mo na.""S-salamat ah."
"Tsk. Pangit na nga, pulubi pa."
Saad nya sabay walk out.---
Jake's POV
G-Ganito ang buhay ni Reign? Pu-pulubi?
Walang kwentang mga magulang ang mga magulang nya!
Dali-dali akong umuwi at nadatnan sina ate at kuya na kumakain.
"Ate, kuya..."
"Oh, Jake? Anong nangyari? Bakit ganyan ang mukha mo?" tanong ni Ate Mildred.
"May nalaman kana ba?" tanong naman ni kuya.
"Oo.. habang tayo ay kumakain pala ng masarap, si Reign pala, pulubi.Walang makain.Mabuti nalang at may nakakita sa kanya at binigyan sya ng pagkain." Napayuko ako.
"WHAT? REALLY?" Tanong nilang dalawa.
"Yes.Nalaman ko rin na ang pambili nila ng pagkain ay binili ng mga magulang nya ng alak.Kaya ayun, gutom si Reign."
"Tara! Sugudin natin at kasuhan!" Biglang tumayo si ate Mildred.
"Hon, Relax. Dadating tayo dyan. Jake, kung makita mong mangyari ulit yun, ikaw na lumapit at magbigay ng pagkain.Bigyan mo narin ng pera pambili ng mga gamit nya."
"Yes kuya."
"I can't afford to know her suffering like this."
Niyakap ni kuya si Ate Mildred dahil napaiyak na ito."Alam kong di pa tayo sure kung sya nga ang anak natin.Pero kailangan natin syang alagaan." saad ni kuya.
"Jake, one more thing.."
"Yes, ate?"
"Kapag binigyan mo sya ng pagkain, make sure madadala mo dito yung kutsara nya, pwede nating gamitin yan pang DNA..di na talaga ako makapaghintay."
Napangiti ako sa sinabi ni ate.
"Yes ma'am, I will."
This is a big task, yet so exciting!
BINABASA MO ANG
That Nobody is the long-lost Heiress
Teen FictionReign Torres is just a nobody in their school na palaging binubully ng mga mas magaganda. Mahirap lamang si Reign ngunit nakapag-aral sya sa isang elite na paaralan dahil sa scholarship. Isang araw, may nakapansin sa kanya dahil may kamukha sya...