*Villareal's Residence*
"Sige na dalian nyo na ang pag-aayos ng kwarto ni Princess dahil susunduin na namin sya mamayang uwian.Ito ang unang araw nya sa totoong bahay nya." saad ni James, ang papa ni Reign/ Micah Erica.
"Hon, I'm very excited to see our beloved daughter with us here in our house." saad naman ni Mildred.
Kasalukuyang nililinis ng mga kasambahay ang magiging kwarto nya.
Lahat ng magagandang gamit na maaaring magustuhan nya ay nilalagay ng mga magulang nya sa kwarto nya.
Ang lapad ng kwarto nya ay katumbas ng limang classroom.
"Ma'am, ayos na po.Maaari nyo na syang sunduin." saad ng isang kasambahay.
"Tara na."
Sinundo na nila si Reign sa school at katulad ng inaasahan ay maraming nakatingin sa kanila.
"Ma,pwede po bang wag muna tayong dumiretso sa bahay? Pupuntahan ko po muna sina nanay at tatay baka nag-aalala na po sila sakin eh."
Nagkatinginan lang ang mama at papa nya at sumang-ayon na lang.
Nakarating na sila sa munting bahay ng nanay at tatay nya."Tao po?"
Kumatok si Reign at bumungad ang dalawang taong inasahan nyang lalabas."Sino ka? Anong ginagawa mo dito kasama ang dalawang panggulo na yan dito sa bahay namin?" masungit na tanong ng nanay nya.
"Ah..n-nay, a-ako po ito,si Reign." nakayuko lang si Reign.
Nagulat sila sa sinabi ni nya,pero sa halip na maging masaya, ay sinampal nilang dalawa si Reign.
"Walang hiya ka! Akala namin namatay ka na! Yun pala nagpaganda ka na! Akala mo kung sino ka! Pagkatapos ka naming palakihin at pakainin?Di ka man lang nagparamdam,alam mo bang mamatay na kami sa gutom dito,ha?" galit na sigaw ni Arnaldo.
"How dare you hurt my daughter?" sinampal ni Mildred si Ivy at Arnaldo ng napakalakas kaya natumba ang mga ito.
Nagtulungan nalang sila sa pagtayo.
"Alam nyo,pwede ko kayong kasuhan ng trespassing dito dahil wala kayong ginawa kundi ang manggulo, at isa pa, kakasuhan din namin kayo ng kidnapping dahil kinidnap nyo ang anak namin." galit na saad ni Arnaldo.
"Ah, kaso ba kamo? baka kayo ang kakasuhan namin ng child abuse dahil inaabuso nyo itong anak namin mula pagkabata at di nyo pinapakain ng maayos." saad ni James.
"Hahaha...ano? Anak nyo yang walang kwentang yan?" sarkastikong tanong ni Ivy.
"Yup,ang nag-iisang anak namin.Binigay lang naman sya ni Anabel sa inyo diba? Ang dakila mong bestfriend na katulong namin.Ngayon, ang ibinigay nyang bata sa inyo ay ang anak namin.Mabuti nalang at nagpaDNA sya.Tama nga ang hinala namin.Kaya pala sabi nya,wala man lang syang maramdamang pagmamahal mula sa inyo.Kaya,kakasuhan namin kayo."
Si Reign umiiyak lang habang niyayakap ni Mildred.
Natahimik ang dalawa at nakayuko na lamang.
"Patawarin nyo po kami.Wag nyo na po kaming kasuhan at ipakulong.Pa-pangako di na namin kayo guguluhin at kakalimutan na lang namin ns naging parte ng buhay namin si Reign."
Pagkatapos nun ay pumasok na lamang ang dalawa sa kanilang bahay na parang walang nangyari.
"Tara na." saad ni James.
"Princess, tahan na.Okay na ang lahat.Dun ka na titira sa totoo mong bahay.Wala ng aapi sayo.Nandito kami para sayo." saad ni Mildred at hinalikan ang noo ng anak.
Ngumiti nalang si Reign dahil sa saya."Ma, pa?"
"Yes,princess?"
"Ayoko pong pumasok sa school bilang Micah Erica."
"What do you mean?"
Nagkatinginan ang mag-asawa. Kasalukuyang nag lalakad sila patungo sa kotse nila.
"Ahm, ayoko po kasing pinagkakaguluhan.Gusto ko po yung simple lang.Yung di pinapansin."
"You mean..."
"Papasok po akong school bilang si Reign." seryosong saad nya.
"Are you sure?"
"Yes po."
"Pero, ibubully ka nila princess.Di namin hahayaan yun."
Kita sa mukha ng magulang nya ang pag-aalala.
"Okay lang po..sanay na ko."
"Okay...pero, may body guard kang kasama."
"P-po?"
"Yes..ipapasama namin si Grey, ang anak ni yaya Gloria."
"O-okay po."
Di na lamang sumalungat si Reign..atleast .. sa isip nya, ay malaya syang gawin ang gusto nya, yung hindi pinagkakaguluhan.
BINABASA MO ANG
That Nobody is the long-lost Heiress
Teen FictionReign Torres is just a nobody in their school na palaging binubully ng mga mas magaganda. Mahirap lamang si Reign ngunit nakapag-aral sya sa isang elite na paaralan dahil sa scholarship. Isang araw, may nakapansin sa kanya dahil may kamukha sya...