Ano? P-pano niya nalaman?
Tumayo ako at hinila sya palabas.
"Lyca, p-pano mo nalaman?" di ako mapakali.
"Hahaha, simple lang.Haler!! I'm studying psychology.Alam ko ang lahat ng kilos ng tao." saad nya sabay smirk.
"Pa-paano nga?" nilapitan ko sya at hinawakan sa braso.
"Relax..nalaman ko lang nung nagpakita si Micah Erica.Yung kilos,yung mata,yung haba ng buhok,yung pananalita,alam kong ikaw yun.Tapos hinanap kaya kita nun,pero wala ka ..kaya alam kong ikaw yun.Haha.. wag kang mag alala,di nila malalaman hanggang di pa dumating ang biyernes... Siguradong nganga sila pagnalaman nilang ikaw si Mi----"
Tinakpan ko yung bibig nya."Uy, baka may makarinig sayo."
"Haha.. okay okay. Sige na,may klase pa ako sa isa kong subject.Sige ah.babosh." saad nya sabay alis.
Biglang may humawak sa braso ko.
"Ay butiki!. Naku naman Grey!"
Si Grey lang pala! "K-kanina ka pa ba dyan?"Tumango lang sya at tumingin sa mata ko ng napakaseryoso.
"Alam nya?" sabay turo sa direksyong pinuntahan ni Lyca.
"O-oo." yumuko ako. "Parang ayaw makisabay ng tadhana."
Hinawakan nya ang chin ko at inangat ang ulo ko dahilan upang tumingin ako sa kanya.
"G-grey..."
Ngumiti sya sabay wink sakin.
"Tatalunin natin sila."
"Sige ba.. pero pano kapag di tayo nanalo?"
Inakbayan nya ako sabay lakad papasok ng classroom.
"Kapag manalo tayo, date tayo." saad nya ng napakaseryoso.
"A-ano? seryoso ka?" tinabig ko yung braso nyang naka akbay at hinarap sya.
"Oo. Mukha ba akong nagjo-joke?" saad nya sabay talikod.
"Ah,eh... pano naman kung matalo tayo?"
Humarap sya ulit sakin sabay tingin ng seryoso.
"Basta, kailangan mong manalo." saad nya sabay pasok sa room.
"Ang daya." Pumasok narin ako ngunit nakabangga ako sa isang pader...ay hindi..sa isang tao.
Inangat ko ang ulo ko at..."Ah.. eh.."
Lalampasan ko sana sya pero hinugot nya ang kamay ko at kinaladkad ako palabas."B-bakit?"
"Bakit di mo ko tinawagan,huh? I even exert na effort to give you my number,pero wala.. di ka tumawag."
"S-sorry, may inasikaso kasi ako---"
"Wala akong pakialam! Tsk..ito, make a research on her!" saad nya sabay alis.
Tiningnan ko yung binigay niya..picture ito ni Micah Erica..
"Reresearch ko sarili ko? Naman."
Bumalik nalang ako ng room at may nasalubong na naman ako.
"And,who's this? That Micah Erica girl?" tanong ni Vanessa sabay hablot nya ng litrato sa kamay ko.
"Haha, insecure ka sa kanya no? Of course naman.Pero wala kang panama sa kanya.Pwet ka lang nyan teh." nakasmirk nyang saad."Akin na yan."
"Opss..kunin mo." itinaas nya ang litrato.
"Akin na sabi." sibubukan kong kunin pero ang taas nya dahil sa heels.
"Kunin mo---ARGHH! Pakialamero!"
Kinuha ni Grey ang litrato at binigay sakin.
"Sa kanya yan.Di ka dapat nangunguha ng di naman sayo.Kung may pinag-aralan ka,alam mo yan,pwera nalang kung wala." saad ni Grey sabay upo.
"Arrgghh! Tsk..pinagtatanggol mo pa yung girlfriend mong pangit." Umupo nalang din ako.
Yung mga kaklase ko naman at tawa ng tawa."Nice tol." saad ng lalaki sa tabi ni Grey.
"Salamat tol."
----
Michael's POV
Bakit absent si Erica? Tsk..kailangan ko pa naman syang makausap.
I tried finding her on facebook,pero wala man lang syang account.
That girl is really mysterious...that made me want to know more about her.That mouse! Tsk... sa kanya ko nalang epaparesearch si Erica.
I badly want to know her."Mr. Pascual!" sigaw ni Mr. Cruz
"Yeah?"
"You are not listening! Get out of my class! Dun ka mag cellphone sa labas hanggang sa magsawa yang mata mo sa kakacellphone!"
Tsk.. Isa pa to.
Edi lalabas. 15 minutes to go nalang naman para mag-uwian eh.
Lumabas ako at pumunta sa field at dun pinaglalaruan ang bat.
"Bakit ba napaka mysterious mo Erica? I want you.I want you badly.You'll be mine."
*Kringggg*
Dad calling...."Yes dad?"
/Come home early.You'll meet our business partners' daughter./
"Bakit ko naman sya kailangang emeet? Di ko naman type yan.Sino na yan?"
/The Villareals./
"Villareals? The world's richest family?"
/Yeah./
"Okay..I'll be there in a minute."
The Villareal? Hmmm... Seems like I will meet the girl I wanted to see.
---
REIGN'S POV
"Tara na.Kailangan na nating magmadali." saad ni Grey sabay hawak sa kamay ko.
"Bakit anong meron?"
"Basta."
Ano kayang meron?
Dali-dali kaming tumakbo palabas, di na namin ininda ang mga sinasabi ng mga tao.
"Mabuti pa ang pangit..may boyfriend."
"Oo nga.. holding hands while running pa sila oh."
"Ang pogi pa naman ng boy..siya lang pangit.. di sila bagay."
"Wag mo nang pansinin ang sinasabi nila." biglang saad ni Grey.
Tumango nalang ako at patuloy lang sa pagtakbo.
BINABASA MO ANG
That Nobody is the long-lost Heiress
Подростковая литератураReign Torres is just a nobody in their school na palaging binubully ng mga mas magaganda. Mahirap lamang si Reign ngunit nakapag-aral sya sa isang elite na paaralan dahil sa scholarship. Isang araw, may nakapansin sa kanya dahil may kamukha sya...