Heir 06

49 1 0
                                    

Reign's POV


Nandito na ako sa bahay at matutulog na.
Pero di parin mawala sa isip ko yung tanong ng lalaking yun sakin.

Pwede ka bang makunan ng DNA?

Bakit gusto nya akong kunan ng DNA?

Anong kailangan nya?

Pero, wala namang mawawala kung magpa DNA tes para matigil na ang pangungulit nya.

Sigurado naman ako na negative ang resulta.

Ipipikit ko na sana ang mga mata ko upang matulog kaya lang...


"Huy, bangon! Mangutang ka dun kay Tya Pusit ng bigas at tuyo pangkain natin bukas." saad ni nanay sanay sipa-sipa sakin.


"Si-sige po."

Lumabas ako at nangutang kay Tya Pusit.


"Tya Pusit, p-pwede pong pautang ng isang kilong bigas at tatlong tuyo?"


"Ano? Utang na naman? Pambihira! Apat na taon na kayong di nagbabayad ng utang! Hanggang ngayon di pa nababayaran. Jusko!"

"Sige na po. Babayaran ko nalang po kayo pagnakatapos na ako ng pag-- *yawn* aaral!"

Hay! Inaantok na ko.


"Siguraduhin mo lang!"

"Opo, ilista mo nalang po sakin."

"Oh, heto. Alis na!"

"Sandali, anong oras na po?"

"Alas 10 na ineng. Umuwi kana dun."

"S-sige po, salamat."

---

School*


Naglalakad lang ako papuntang field. Friday ngayon kaya vacant.
Nakita kong naglalaro ang mga baseball player.

Madaming mga babae ang nakatambay dito.

"Go babe! you can do it!" sigaw ni Vanessa.


Tumingin sa direksyon nya ang mga babae pati na mga players.
Makialis na nga dito.

Naglalakad-lakad lang ako palayo ng biglang may humigit ng braso ko at may naglagay ng bag sa kamay ko.

"A-ang bigat."

"Parusa mo yan.Pasalamat ka at yan lang." saad nya sabay lakad ng mabilis.

Sungit talaga ni crush.

"Bilisan mo!" sigaw nya sabay lingon sakin.

"O-oo na."

"Tsk..yung pagkain kahapon, may bayad yun."


"H-ha? pero...wala akong pera eh. tsaka di ko naman hiningi na pakainin mo ko."
nakayuko lang ako.



"Tsk. walang pera? eh pano ka nakapasok sa pangmayamang school na 'to ha?" hinarap nya ako.



"K-kasi nag apply ako ng scholarship."


"Ah, kaya pala.Tsk paki ko naman? Akin na nga yan bag ko.Masira pa yan eh." saad nya sabay alis.




"Grabi.. ang feeling talaga."

"Porket pinabitbit sya ng bag ni Michael my loves, akala nya maganda na sya."

"Haler! taga bitbit ka lang! hahaha. so kawawa!"

"Right girls. this girl is so feelingera. Che." sumbat ni Vanessa. "You're nothing, but a an assumera. Trying hard, ugly cat!"

Hinayaan ko nalang ang mga sinasabi nila at umalis na.




*BOOGGSSSHH*



"Aray!"

Natumba ako dahil sa sakit ng ulo kong nabangga sa dibdib nya. Pag angat ko ng ulo ko...


"Sorry Reign."


"Okay lang po. Ano nga po pala pangalan nyo? Nalimutan ko eh."

Tinulungan nya akong tumayo sabay smile nya.

"I'm Jake Villareal. "

"Ahm, sir Jake, kapag nagpa DNA po ba ako ngayon, ano pong mangyayari? At gusto ko pong malaman kung bakit gusto nyo po talaga akong ipa DNA."

Nakita kong ngumiti sya ng malapad.

"Anong mangyayari sayo kapag nagpa DNA ka ngayon? Simple lang. "

"Paanong simple po?"

"Magbabago ang buhay mo. At magbabago din hitsura mo. "

"Pano po kayo nakakasiguro?"

"Hahaha.. instinct lang. Bakit, magpapa DNA ka na ba?"


"Gusto ko na po kasing matuldukan ang mga katanungan sa isip ko."

"So?"


"Opo, magpapa DNA na ako."

Lumapad lalo ang ngiti nya at may tinawagan sa cellphone.

---

"Miss, pwede kang kumuha ng isang hibla ng buhok mo at ibigay mo sakin? tapos,yung saliva mo, ilagay mo dito sa maliit na baso." sabi ng doctor.


Nakaupo ako ngayon dito sa harap nya at si sir Jake naman ay nakaupo lang sa gilid habang may kausap sa cellphone nya at ang lapad ng ngiti.

Bakit kaya?

Sinunod ko nalang yung sabi ng doktor.
Kumuha ako ng isang hibla ng buhok ko at ang saliva ko naman ay sa may maliit na baso.


"Ngayon naman, ay kukunan kita ng dugo."

Kinunan nya na ako ng dugo at pagkatapos ay tumayo na at nilagay ang mga nakuha nya sakin sa isang malaking machine.
Pagkatapos ay lumait sya kay sir Jake.


"Sir, matatagalan pa po ang resulta, pwede nyo nalang balikan bukas." saad ng doktor.

"No, hihintayin ko nalang.Ilang oras pa ba?"

"Mga 5-6 hours po."

"Ah, sige, babalikan ko nalang pagkatapos kong ihatid si Reign. Tapos hihintayin ko yung 5-6 hours."


"Are you sure sir?"

"Yes. "

Hinatid na ako ni sir Jake.
"Salamat po sa paghatid sir."

"No, don't call me sir, call me tito."

"Hehe. . okay po. salamat sir--- este tito."

"Sige na, pumasok ka na."

---


Jake's POV


Di na ako makapaghintay!
Ano kaya ang magiging resulta?


Pagkatapos kung ihatid si Reign ay buong gabi kong hinintay ang resulta.

Buong gabi ring tawag ng tawag sina ate at kuya.

Pareho kaming walang tulog dahil sa excitement namin!

"Ah, sir, heto na po."

"Thanks."

Umalis na ang doktor at dali-dali kong binuksan ang envelope.
Ang nakasulat ay....




REIGN TORRES
The result is.......




Nanlaki ang mata ko sa nakita ko!

That Nobody is the long-lost HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon