“Bangs check, glasses check, braces check, straight hair hanggang balikat check, kayumangging skin check and simple clothes check!!”
“Yan na Mara, hindi ka na talaga nila makikilala”
Sabi ni Julia sa sarili habang nakaharap sa malaking salamin sa kanyang bagong kwarto.
“Pero mukhang nerd ako neto ah”
“Hindi naman, normal girl na nga yan”
“Sige ganito na nga!”
Inalis na niya ang kanyang mga gamit para sa kanyang bagong anyo, siya na ngayon si Mara Hautea. Hindi siya nag-aalanganin sa kanyang bagong pangalan kais alam niyang iilan lang ang may alam sa kanyang totoong pangalan.
Dito na siya ngayon titira sa isang apartment kasama si Mami Yasmin na kung saan lalakarin niya alng ang bagong niyang college.
Nagbago din siya ang itsua, nagpalagay siya ng bangs, braces na natatanggal lang, glasses na yung pang nerd, pinutulan niya din ang kanyang buhok hanggang balikat at inanatiling straight lang ito.
Bumili din sila ng bagong mga damit na lahat ay jeans, blouses o tshirt lamang. Bag na backpack, at yung mga simple bagay na ang gagamitin niya ngayon.
Sanay naman siya sa mga dito kasi galing siya sa simpleng pamilya. Nagbago lang ang lahat ng nagsimula siya sa showbiz.
Alam naman ng kanyang lola ang plano niya kaya hinayaan na lamang niya ito at nangako naman si Julia na dadalaw sa kanyang lola at kapatid.
--
“DJ bilisan mo na!!” sigaw ni Kathryn mula sa labas ng kanayng apartment
“Oo nandiyan na!!” sigaw niya mula sa loob
Sabay naman silang tatlo na pumasok sa paaralan, ganito lagi ang eksena kapag umaga. Tatawagin ni Kathryn si Dj dahil mabagal ito tapos si Kurt ay maghihintay sa baba.
Sanay na silang tatlo sa kanilang ginagawa. Magkadikit kasi ang apartment nila Kathryn at DJ, si Kurt naman nasa second floor ang kanilang apartment means nasa third floor sila DJ.
Habang naglalakad
“DJ, may bago daw tayong kapitbahay sa apartment” pasimula ni Kathryn
“Oh tapos?” DJ na bising naglalaro sa PSP
“Makinig ka naman!! >__<” niyugyog niya si DJ
“Wait lang Kath, kasi –eer natalo tuloy ako!!”
“Hindi ka kasi nakikinig!!” naka cross arms si Kath
“Wala naman tayong pake dun sa bagong kapitbahay natin!” tinuloy ulit ni Dj ang paglalaro
Simple lang din naman ang buhay ni DJ kahit sikat siya sa school, minsan walang pake sa paligid pero hindi naman siya nagpapabaya sa pag-aaral.
Si Kathryn Alonzo naman ang kaisa-isang babae na kaibigan ni Dj, magkapitbahay kasi sila sa apartment simula nung bata pa kaya naging magkaibigan sila bago nila naging kabigan si Kurt. Magaling sa pag-arte si Kathryn kaya member siya ng Theater Arts ng kanilang school. Kasama niya lang sa buhay ang kanyang ate na si Jasmin na busy din sa kanilang negosyo.
Ang pinakatago-tago niyang sikreto ay ang pagmamahal kay DJ na kahit isa walang alam. Ayaw niyang sabihin kay DJ kasi baka masisira ang kanilang pagkakaibigan
“Wag na wag kang maiinlab sakin ha Kath-Kath”
Yan ang sinabi ni DJ sa kanya nung bata pa sila kaya pinigilan ni Kathryn na mainlove kay DJ pero hindi niya nakaya.
Sweet kasi sa kanya si DJ at kinaiinggitan nga siya ng lahat ng babae sa school kung saan sila nag-aral nung elementary, high school at ngayong college na sila.
Kaya nilihim nalang niya ito hanggang ngayon.
Si Kurt Ramos naman ay nakilala nila nung high school na sila, tahimik ito at parang may sariling mundo pero nung naging close na silang tatlo ay lumabas na ang pagkakulit ni Kurt pero sa kanila lamang. Tahimik ito sa public at makulit kapag sila lang tatlo ang magkakasama. Sa kanilang tatlo, si Kurt lang ang may kasamang magulang sa buhay.
Laging libro at computer ang kaharap ni Kurt, minsan naman TV.
Kahit na iba-iba ang kanilang mga ugali ay nagkakasundo silang tatlo
Ng makarating na sa university ay naghiwalay-hiwalay na ang tatlo, si Kathryn ay HRM ang course, si DJ naman Engineering at si Kurt naman ay Statistics
Kaya kanya kanya na silang punta ang klase.
**********************************************************************************************************
Author’s Note
~Thanks for reading!
~Thanks for the votes!
~Thanks for the comments!
~Thanks for adding to your library!
~Thank you so much readers! Mwah! Mwah!
I LOVE YOU ALL ^_________^
BINABASA MO ANG
Adik Sayo! [Julniel]
Fanfiction[COMPLETED. NO SOFT COPIES] DJ is a FAN-BOY of a teenage actress named JULIA MONTES. But what if he'll find out that his idol is living next door? What will he do? Scream like a girl or what? Please bear with grammar errors :) Thanks! For the book c...