Chapter 14

1.9K 37 4
                                    

“Sige. Opo. Opo Tito. Sige po bye!” sabi ni DJ sabay lagay ng cp sa bulsa niya

“Oh bakit napatawag si Tito Robin?” tanong naman agad ni Julia

“Ah tungkol sa party” sabi ni DJ sabay umupo sa sahig katabi si Julia

Nandito nga pala sila sa apartment ni DJ at ito ang sinasabing peace offering niya kay Julia. Simple lang ang ginawa niya.

Nanood sila ng movie ni Julia dito sa apartment at naghanda ng maraming pagkain. Hindi siya nagluto kundi binili niya sa pinakamasarap na restaurant na alam niya.

Sabay binigyan niya si Julia ng pink roses na nagustuhan naman ni Julia.

Balak niya sanang dalhin si Julia sa isang romantic restaurant kaso ayaw ng dalaga dahil magasto daw. Nagpumilit si DJ kaso hindi siya nanalo kay Julia, napakatigas at hirap pilitin si Julia kaya ito na lang ang ginawa niya.

Simple man pero mas napangiti pa niya ang dalaga kaya ngayon ay nakaupo sila sa sahig habang nakasandal sa sofa. Yun ang gusto ni Julia kaya ginawa nila, mas maganda naman din yun para mas komportable sila.

“Oh tapos anong sabi?” tanong ulit ni Julia habang nakatutok lang sa TV

“Magdala daw ako ng kasama sabi ni Tito, how about Kathryn and Kurt daw!” napatingin naman si Julia kay DJ

“Oh ba’t nalungkot ka? Ayaw mo ba nun?” pagtataka ni Julia ng biglang nalungkot si DJ

“Eh kasi diba, may problema kami? Oh paano ko sila masasabihan!?”

“Kasi naman—“

 

“DJ diba nagkakasama kayong maglunch or mag merienda? Tapos ngayon ka pa mahihiya sa kanila!”

“Magkasama nga kami kaso hindi naman kami nagkikibuan”

“Makipagbati ka na kasi sa kanila!”

“Ewan ko Mara! Halika nga dito! Pahug!!” iwas usapan si DJ sabay yakap kay Mara

“HAHAH DJ STOP!! NAKIKILITI AKOOO!!” sigaw ni Julia sabay tawa

Kasi binaon ni DJ ang baba sa balikat ni Julia tapos may kiliti siya dun kaya panay ang tawa niya pero hindi tumigil si DJ sa pagbabaon ng baba niya.

--

Magkasama si DJ, Kurt at Kathryn habang naglulunch. Tahimik lang sila. Magkatabi si Kathryn at Kurt kaya kaharap nila si DJ.

“Ito nga pala, invitation para sa party ni Tito Robin!” sabi ni DJ sabay abot ng maliit na envelop

“Imbitado kami?” si Kathryn

“Oo, gusto kong nandoon din kayo kasi close naman din kayo ni Tito!” DJ sabay ngiti

“Ah sige” si Kathryn

“Maaasahan ko ba kayo?”

“Oo--- oo naman pupunta kami DJ!” sabay ngiti ni Kathryn

Adik Sayo! [Julniel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon