Chapter 10

2.1K 50 4
                                    

“KYAAAAH excited na ako!!” sigaw ni Kathryn sa loob ng van nila

“Kath naman ang ingay mo!!” reklamo ni Kurt na kanina pa nagbabasa pero dahil sa ingay ni Kath hindi makapagbasa ng maayos

“KJ MO!!” sigaw ni Kath kay Kurt

Nasa daan sila habang papunta sa Enchanted Kingdom na nung nakaraang araw pa gustong-gusto mapuntahan ni Kath dahil sa bagong rides dito.

Nasa Van sila ngayon na pagmamay-ari ni Kathryn. Siya mismo ang nagvolunteer na Van ang kanilang gagamitin para pumunta doon at si DJ ngayon ang nagmamaneho.

Si Kathryn nasa front seat din habang si Kurt at Julia nasa likod nila. Nagbabasa lamang ng libro si Kurt habang si Julia naiilang.

Naiilang si Julia dahil sa pagtama ng tingin nila ni DJ. Kanina pa tinitingnan ni DJ si Julia sa salamin hanggang sa nagtama ang kanilang tingin.

Para hindi makahalata kinausap agad ni DJ si Kurt na kanina pa nagbabasa ng libro.

‘Naman! Bakit ko ba kanina tinitingnan si Mara >__< ayan tuloy naiilang siya!’ saad ni DJ sa sarili

Kaya tahimik nalang silang bumiyahe hanggang sa nakarating na sila ng Enchanted Kingdom.

“Wow ang ganda!!” sabi agad ni Kathryn ng makababa na sila ng van

“First time?” singit ni Kurt

“Heh! Ewan ko sayo!!

Naglakad na sila para magbayad ng entrance fee at pumasok agad.

“DJ doon tayo sa Victoria Park!” sabi ni Kathryn kay DJ

“Ah sige?” sabi ni DJ sabay tingin kay Julia kaya umiwas agad si Julia ng tingin

“Halika na!!” hinila agad siya ni Kathryn kaya sumunod nalang ang dalawa

“Ang ganda!!” saad ni Kathryn

“Oo nga!” sa wakas nagsalita na si Julia at nawala na yung ilang niya

‘Dapat sulitin ko na ‘to para maenjoy naman ako ^__^’  saad ni Julia sa sarili

“Kurt picture naman oh!” sabi ni Kathryn sabay abot ng dg cam kay Kurt

“Ba’t ako?”

“Kasi ikaw lang yung ayaw magpapicture kaya ikaw dapat!”

“Ako nalang Kath!” sabi ni DJ sabay agaw ng dg cam kay Kath

“Hindi! Si Kurt lang kasi kasama ka!” binigay niya talaga kay Kurt ang cam kaya napakamot nalang ng ulo si Kurt

“Sama ka Mara!” hinila ni Kath si Julia kaya ang posisyon nila ngayon ay nasa gitna nila si DJ

Kahit naiilang ay pinilit na ngumiti ni Julia sa bawat larawan na kinukuha ni Kurt.

“1..2..3 click!” sabi ni Kurt

Adik Sayo! [Julniel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon