Chapter 8

2.3K 46 12
                                    

Walang pasok si Julia ngayon, vacant day niya. Naiisp parin niya ang pagsabi ni Kathryn ang nararamdaman niya sakanya. Ramdam niya ang awa sa kaibigan, at inis naman kay DJ kasi hindi niya alam na sinasaktan niya si Kathryn.

‘Kaya ayokong mainlove sa isang lalaki na hindi ako gusto!’ sa isip ni Julia habang nasa kotse

‘Mga lalaki nga naman! Hmf!’ naka crossed arms na siya

--

“Girl we missed you”

“Sorry ha kasi hindi ako masyadong nag tetext kasi busy sa bakasyon”

“Edi ikaw na ang may break tsaka may bangs kana ha!”

“Naman! Para new look!”

Kaya nagtawanan nalang silang tatlo, nandito si Julia sa taping nila sa bagong show every Sunday lang  ito ipapalabas.

Kasama niya ang two friends niya sina Hopia and Sue Ramirez, makakasama niya ito sa show.

Naisipan ni Julia na kahit may break siya ay hindi parin niya maiiwan agad ang showbiz, kumukuha siya ng konti role lang at kahit papano ay hindi siya mababagot kapag walang pasok.

Gaganapin niya ang batang Janine Marasigan sa ‘Barkada’ na bagong show every Sunday lang. And si Jessy Mendiola ang magiging adult Janine Marasigan.

Five times lang siyang ipapakita kasama sina Hopia at Sue na kaibigan niya dito. Kaya tinanggap na niya ang role.

--

Hapon ng makauwi si Julia, tinapos na niya ang mga scenes niya doon para wala na siyang problema pa.

Dahil sa walang magawa si Julia ay naisipan niyang pumunta sa Roof Top ng kanilang apartment. May roof top ang apartment, five floor lang meron ang apartment na ito.

At hagdan lang ang paraan para makapunta sa roof top, naisip naman niyang okay na’to para exercise naman.

Nagdala siya ng jacket kasi alam niyang malamig sa taas at salamin para walang makakilala sa kanya kung may makasalubong sa labas.

Ng marating siya ay namangha siya sa kanyang nakita, puno ng bituin ang kalangitan. Kumikinang pa.

“Napakaganda” nasabi niya naman at ngumiti

--

Adik Sayo! [Julniel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon